. . . ⇢ 51 ˎˊ˗

169 10 6
                                    

"hello, mr. park!"

napangiti lang ang ginoo sa pagbati ni joy sa kanya. kasalukuyan si joy na nasa mansion ng mga park pero ang tanging nandito lang ay si mr. park at pinagtataka ni joy ay kung bakit wala si mrs. park.

"hi, hija." pagbati niya rin dito at naupo sa upuan.

nasa dining table sina joy at jay ngayon, talagang hinintay nila ang pagdating ni mr. park mula sa trabaho. at ngayong nandito na siya ay nagsimula na silang kumain at magkwentuhan.

"so, how's your school?" paninimula ni mr. park at saka sumubo ng steak.

"akala ko madali lang maging college student but i was wrong. sa umpisa lang pala pa-chill chill pero habang tumatagal ay pabigat ng pabigat ang mga gagawin." sagot ni joy.

natawa ng mahina si mr. park. "that's really how it was in the beginning. did you know that in my first year of college, the lessons were easy for me because i wasn't serious? yes, i just relied on my dad who had a strong connection to the school owner kaya alam kong hindi ako babagsak."

"eh? bad boy kayo before?" hindi maiwasan ni joy ang mamangha, mga bad boy kasi talaga ang ideal niya. bad boy with a heart.

"anak ako ng isang gangster." pagbibiro ni mr. park, natawa naman si joy.

napansin ni mr. park na tahimik lang si jay sa gilid habang kumakain na para bang may malalim itong iniisip kaya naman tinawag niya ang anak, nabalik naman sa sarili si jay at nagtatakang napatingin sa ama.

"dad?"

mr. park just smiled. "ikaw? kumusta ang school mo, anak?"

"great." tipid na sagot ni jay at nagpatuloy sa pagkain.

napansin din ni joy ang pag-akto ni jay ng kakaiba. hindi naman ganito 'to noong last silang nag-dinner kasama si mr. park pero ngayon parang wala sa sarili si jay at strange makitungo.

natapos ang dinner at halos sina mr. park at joy lang nag-uusap. nakikisali naman din si jay kahit papano pero may kakaiba talaga dito dahil madalas itong tahimik which is hindi gawain ni jay.

"jay, what's wrong?" hindi maitago ang pag-aalala sa boses ni joy.

hindi kasi ganito ang jay na kilala niya at hindi siya sanay na ang tahimik ni jay. hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya may bumabagabag sa binata at handa si joy makinig.

jay let out a sigh. "nasaan ang tatay mo?"

hindi maiwasan ni joy na mabigla sa tanong ni jay kasi ang random non at biglaan. si jay ang mukhang may problema ngayon pero bakit about sa tatay niya ang pag-uusapan nila ngayon?

"e-eh? bakit biglaan naman yata?"

"wala, curious lang ako kasi si tita lang ang nakikita ko." sagot ni jay dahilan para mapabuntong hininga si joy.

"wala akong tatay. hindi ko alam kung patay na siya or what pero ipinanganak ako, wala na talaga akong tatay. gusto ko magtanong kay mom about sa ama ko pero lagi niyang iniiwasan ang topic na 'yon."

napatitig lang si jay kay joy habang nagkwekwento, habang nakatitig ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. gusto niya iwakli sa isipan ang tungkol sa sinabi ng mom niya sa kanya pero alam niya ring hindi imposible 'yon.

lalo pa't nakita niya ang larawan ng dad niya at mom ni joy na magkasama, nakangiti at nakatitig sa isa't-isa.

"jay?"

naka-ilang tawag na si joy sa pangalan ni jay pero hindi pa rin ito lumilingon sa kanya at nanatili lang na nakatulala sa kawalan. walang nagawa si joy kundi ang sampalin ito sa mukha ng mahina dahilan para tuluyang mabalik si jay sa reyalidad.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon