. . . ⇢ 53 ˎˊ˗

179 11 5
                                    

heeseung
@heeheehee

sunoo
hyung seryoso ka ba?

heeseung
kung kailangan ko magsimula ulit then handa akong gawin yon

heeseung
kailangan ko bawiin si julie

sunoo
liligawan mo siya ulit?

heeseung
kailangan.

heeseung
sige na sun, pabigay na lang sa kanya yung mga binigay ko sayo kanina

heeseung
salamat

sunoo
sige sige

-♡️-

"who's that?"

napatingin si sunoo kay danica nang itanong niya iyon. ipinakita niya ang convo nila ni heeseung. "heeseung hyung, nagpapatulong kay bestie julie."

"julie? kim julie ba?" tumango si sunoo. "oh, classmate ko siya sa music and mukhang may boyfriend naman na siya so bakit pa siya liligawan ni heeseung?"

uminom muna si sunoo ng juice bago nagsalita. "heeseung hyung is julie's boyfriend.. or ex? i don't know, hindi ako sure kung hiwalay na sila."

"dummy, for sure hiwalay na sila. hindi naman pwedeng magka-jowa ang isang tao kung hindi pa siya hiwalay sa una niyang jowa. unless.. pinagsasabay niya." sumubo si danica ng fries matapos niyang sabihin 'yon.

"nah, i know julie. hindi siya ganung klaseng babae, for sure may maling nangyayari." sagot ni sunoo at muling uminom, pagkatapos non ay wala ng nagsalita.

nagpatuloy sila sa pagkain hanggang sa unti-unting napatingin si danica kay sunoo. "uhm, sunoo.. may girlfriend ka na ba?"

dahil doon ay muntik na mabilaukan si sunoo. "h-ha? wala pa."

"pa? ibig sabihin magkakaroon ka pa lang?"

napailing-iling na lang si sunoo pero hindi niya rin maiwasang mapangiti lalo pa't napansin niyang mukhang interesado si danica sa bagay na 'yon. kumagat siya sa burger niya at napaisip.

what if biruin ko siya? gusto ko lang makita ang reaction niya, hihi.

at gaya nga ng naiisip niya, sinimulan ni sunoo ang plano niya sa dalaga. "danica, alam mo ba?"

"hmm?" hindi ito lumingon at busy lang sa pagkain.

"may nagugustuhan kasi ako." pagpapatuloy ni sunoo at napakamot pa sa ulo niya para effective. doon ay nakuha niya ang atensyon ni danica.

"and..?"

sunoo unconsciously pout his lips. "pero hindi ko alam kung paano ako aamin."

gulat na napatingin si sunoo kay danica nang bigla itong tumawa. "hindi ko alam na torpe ka pala."

"y-ya! hindi naman sa torpe ako, nahihiya lang!" dahilan pa ni sunoo pero tinawanan lang siya ng dalaga. "pero hindi mo ba tatanungin kung sino siya?"

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon