. . . ⇢ 57 ˎˊ˗

154 11 5
                                    

sunoo
@brightsunoo

sunoo
let's talk

nica
nica is busy.

sunoo
ilang araw ko na 'yang natatanggap mula sayo

sunoo
sabi ni tito nasa music room ka lang naman palagi

sunoo
minsan nakatulala

sunoo
busy na ba yon?

nica
nica is busy.

nica
nica is busy.

nica
nica is busy.

nica
nica is busy.

sunoo
fine

sunoo
pupuntahan kita sa inyo

nica
nica is busy.

nica
nica is busy.

-♡️-

matapos i-send 'yon ni danica ay agad siyang bumaba ng kwarto at nagpunta sa maid quarters. hinihingal siyang napatingin sa mga maids nila. lumapit naman ang head ng mga maids.

"yes, young lady?"

"when someone's looking for me, please, don't tell them where i am. or if someone goes to the house, tell them i won't accept visitors today." lintanya ni danica.

"kahit si sir sunoo-"

"especially that guy." madiin na sagot ni danica na agad namang ikinatango ng maid.

muling bumalik si danica sa kwarto niya at ni-lock ang pintuan. napasandal siya sa kanyang pinto at doon hinayaan ang sarili na magpadausdos paupo sa malamig na tiles.

napabuntong hininga siya at saglit na napapikit.

kim sunoo.

ilang araw na pinoproblema ni danica ang lalaking 'yan. hanggang ngayon kasi ay hindi niya alam kung paano haharapin si sunoo matapos nito mag-confess sa kanya. gusto isipin ni danica na nagbibiro lang ang binata.

pero hindi eh, seryoso ito nang sabihin niya 'yon.

at sa totoo lang ay hindi niya gusto ang ideya na may nararamdaman si sunoo sa kanya. natatakot kasi siya na ano. o siguro dahil hindi pa siya ready sa bagay na 'to?

o baka dahil nawalan siya ng memorya kaya nahihirapan siyang i-express ang feelings niya.

pero ang hindi pa maintindihan ni danica ay kung bakit may parte sa kanyang katawan ang natutuwa sa katotohanang may feelings si sunoo para sa kanya. kinikilig siya na ewan.

myghad sunoo, ano bang ginawa mo sa'kin?

unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya at umupo sa kama. doon ay muling bumalik sa kanyang mga alaala ang araw na narinig niyang nag-uusap sila nico at ang daddy niya.

"dad, sa tingin niyo po ba maf-fall pa ulit si danica kay sunoo?"

napangiti si mr. choi. "nico, memorya ang nawala kay danica at hindi kasama don ang puso niya. nakita ko kung gaano ka-mahal ni danica si sunoo kaya hindi malabong maramdaman niya ulit 'yon."

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon