Book 2 Chapter 11

181 11 2
                                    

                                                                            Rhian's POV

Napatingin si Rhian sa taong pumasok sa pintuan ng De Castro residence.

Si Glaiza.

Gulat na gulat din si Glaiza nang makita siya sa loob ng bahay ng pamilya nito.

Well, kahit naman sino magugulat kung madadatnan siya sa loob ng bahay ng pamilya De Castro. Wala naman dapat na dahilan para pumunta siya roon.

But there is a very good reason why she came to her wife's house.

Tinitigan niya ng maigi ang asawa. She missed her so much. 

She looks so pale... and thin. Mas pumayat ito at alam niyang hindi dahil sa pagdidiyeta. Glaiza looked so frail. Hindi rin ito nakapagayos ng buhok. Simpleng nakahawi lamang sa gilid ang maikli nitong buhok na tingin niya ay kusa lamang natuyo ng hangin sa labas. She didn't wear any make up or kahit pressed powder man lang. At ang mga mata ng love niya... nagingitim ang paligid ng mga mata ni Glaiza. And also, her eyes are bloodshot. 

What happened?

 Nakaramdam siya ng awa para sa asawa. Mukhang stressed ito. Nevertheless, she still looks beautiful.

Love.... 

Nagsimulang mangilid ang luha niya. She badly want to embance this woman so much. Kung hindi nga lang naririto ang nanay ni Glai ay siguro... siguro sinugod na niya ito ng yakap.

 Glaiza kept staring at her. Mukhang natulala ito at masyadong nagulat sa pangyayari. 

She bit her lip. At least she was able to see her. Kahit na masyadong messy ang mga nangyayari sa ngayon, at least she was able to see Glaiza's face.

Tumikhim ang katabi niya; si Mommy Cristy.

Nakiki-mommy ka?! sigaw ng utak niya. Ay ambitious!

Natauhan siya at nag-iwas ng tingin. 

"Ummm... sige po aalis n-na ako." tumayo siya at tipid ang ngiti na tumango sa magulang ni Glaiza.

"Wait."

Tinig iyon ni Glaiza. Napalingon siya sa asawa. Napasuklay ito sa sarili nitong buhok bago siya hinatak sa braso.

Nabigla siya kaya hindi siya nakaprotesta. 

"T-teka Glaiza. Sandali."

Pero mukhang hindi siya narinig ni Glaiza. Napatingin na lang siya kay Mommy Cristy hanggang sa nawala ito sa paningin niya.


Napaigtad siya sa lakas ng pagsara ng pintuan ni Glaiza. Hindi niya alam kung saang kuwarto sila pumasok. Basta, narinig niya na lang ang pagtunog ng lock sa pintuan na iyon.

She felt her back against the cold door. 

Glaiza stared at her. Galit ba ito? Shocked? Disappointed? 

She never meant to make Glaiza mad. Alam niyang hindi siya nagbigay man lang ng warning na pupunta sa bahay ng mga De Castro. Pero...

"G-glai.. Love. Please let me explain." panimula niya.

"Please don't freakin talk." 

Then  she felt Glaiza's lips against hers.


Glaiza's POV

Why is she here? tanong ni Glaiza sa sarili kangina nang makita niya si Rhian. Maraming tanong ang nagsulputan sa utak niya nang makita niya ang babaeng pinakamamahal.

Nagulat siya oo, pero mas nangibabaw ang pagkamiss niya rito.

She looked weak.

Mukhang hindi pa masyadong nakakarecover mula sa operasyon si Rhian. Dati ay very fit ang katawan ng asawa niya dahil sa regular nitong pagpupunta sa gym ngunit dahil sa naratay ito ng matagal tagal sa hospital ay pumayat lang ito.

Simple lang itong naka-jeans at t-shirt. Nakalugay ang buhok at naka-converse na sapatos.

Nung nagtama ang tingin nila ay nakita niya ang pagliwanag ng mukha ng asawa. Pero bumalik iyon sa pagka-pormal ng marealize ni Rhian na nasa loob sila ng bahay ng pamilya niya. Rhian tried to smile a little bit though.

She felt so happy seeing Rhian. Makita lang ang asawa niya, parang nagkaroon siya ng kaunting lakas. She had been feeling so depressed for a couple of days already, so seeing Rhian made her feel so happy. 

Kaya kahit nandyan pa at nakatingin ang kanyang ina ay hinatak niya si Rhian papunta sa kwarto niya.

She needs her. She wants to touch her. To feel her. 



Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें