Chapter Three

6.5K 182 18
                                    

"Rhian?" hindi mapigilan ni Glaiza ang pagpanic matapos makakita ng sumabog na socket at pagdilim ng paligid.

Ilang segundong walang sumagot sa tawag niya.

"Rhian?!" sigaw niya. Wala siyang makita. Sobrang dilim ng paligid. Hindi pa nakakapagadjust ang mata niya sa biglang pagdilim. Nag-aalala siya kay Rhian.

Alam niyang hindi ito makahinga kapag madilim.

"Rhian nasaan ka ----"

"Nandito ako." mahinang wika ng hinahanap niya. Alam niyang malapit lang siya sa dalaga kaya humakbang agad siya papalapit sa pinanggalingan ng boses.

Aray! Shit! Natumba ang silya na nabunggo ng katawan niya. Mariin niyang kinagat ang lowerlip. Sobrang sakit. Napatigil siya.

"Glaiza? Glaiza are you okay?" narinig niyang wika ni Rhian. Sapat na ang boses nito para mamotivate siyang maglakad. Tinabig niya ang upuan pero nabunggo na naman siya sa kanto ng mesa.

Napadaing siya sa sakit. Tumama ang kanto ng mesa sa bandang puson niya. Umurong din ang mesa sa lakas ng impact niya.

"Oh my God. Glaiza are you okay?" narinig niyang wika ng dalaga. Narinig din niya ang pagkilos nito kahit ramdam niya hirap ito sa sitwasyon nila ngayon.

Hindi na masyadong makahinga si Rhian. Hirap talaga siya sa dilim. Pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil mas kailangan niyang isipin si Glaiza. She knows she is hurt. Narinig niya ang pagbunggo nito sa mesa at silya.

"Glai don't move." lakas ng loob niyang sabi kahit halos hinahabol niya ang paghinga. Mas importante ang dalaga kaysa sa takot niya. "Ako ang lalapit sa iyo."

Patlang.

Tumayo siya kahit takot na takot. Humakbang kahit nahihirapan na siyang huminga. Pinagpapawisan na siya ng malapot pero sumige siya sa paglakad.

Fuck! Nabangga niya ang isang upuan. At dahil wala siyang direksyon sa paglalakad, natumba siya paharap.

Paharap siyang bumagsak sa sahig. Pasalamat siya hindi na siya bumangga pa sa malaking mesa. She's breathing heavily.

Rhian please calm down. Kausap niya sa sarili. She's starting to panic dahil sobrang dilim pa rin.

"Rhian?" narinig niya si Glaiza sa tabi niya.

Bumangon siya at lumapit kung saan nagmumula ang tinig ng dalaga pero laking gulat niya ng may humawak sa braso niya.

Si Glaiza.

Glaiza held her arm tightly. Then in one swift motion, hinila siya nito at niyakap. She could feel her breathing. She could feel her warmth. Naamoy niya pa ang gamit nitong pabango. Parang nabibingi tuloy siya sa lakas ng tibok ng puso niya.

Nakaupo sila sa sahig. Magkayakap.

"Are you okay?" bulong nito sa kaliwang tenga niya.

"Yes." sagot niya. Glaiza's voice is so soothing it's like music to her ears.

"Hindi ka ba nasugatan o natamaan nung sumabog yung socket?"

"Okay lang ako." aniya habang akmang bibitiw sa pagkakayakap kay Glaiza.

Lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

"Don't move." wika ni Glai. "This is the least I can do. Alam kong takot ka sa dilim."

"Alam mo pala na hindi ako makahinga kapag madilim?"

"Oo."

Napatingin silang dalawa sa umiilaw gadget sa ibabaw ng mesa. Nagri-ring ang telepono niya. Nakatulong iyon para magkaroon ng ilaw sa restaurant at makita niya ng kaunti ang paligid.

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Where stories live. Discover now