Chapter Twelve

4.5K 150 13
                                    

"Rhian, hoy Rhian!"

Hindi niya pinakinggan si Bianca. Uminom pa siya ulit ng alak.

"Loka ka talagang babae ka! Dinala mo ako sa race curcuit para uminom? Ano 'to ha?" Iniwan siya ni Rhian at pumunta sa likuran ng sasakyan niya. Binuksan nito ang trunk ng kotse. "My gosh Rhian ano ito? Ang dami mong baong alak!"

"Samahan mo na lang ako dito Bianca please?" Pagmamakaawa niya sa kaibigan. The last thing she needed was an overeacting friend.

"Ayoko uminom may party pa akong pupuntahan mamaya. Sumama ka na lang sa akin. Isama mo si Jason."

Umiling siya. Gusto niya mapag-isa. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Parang hinihiwa ng isang libong blade ang puso niya. Hindi niya maiwasang maisip ang mga nangyari ilang araw nang nakakaraan.

"Glaiza. I think I am falling in love with you."

Umiiyak siya ng sabihin iyon. Hindi na niya kaya. Hindi na niya kaya ang mga ginagawa ni Glaiza. Pinalis niya muli ang mga luha sa mata niya.

"So please stop. Stop making me feel like I'm special. Mahirap magtanga-tangahan Glaiza."

Tulala si Glaiza. Mukhang masyado itong nabigla.

"Rhian hindi ko maintindihan----"

"Ano ba ang hindi mo maintindihan?!" nagtaas na siya ng boses. "Mahirap bang intindihin na mahal kita? Mahirap ba? Ikaw ang nakikipaglaro ng emosyon. Ikaw ang paasa Glaiza. Kung trabaho lang para sa iyo ang lahat ng ito, then you don't have to do this. Hindi mo kailangang magpanggap na special ako sa iyo."

"Rhian..." walang masabi si Glaiza. She looked so shocked.

"Okay. Para tigilan mo na ito, sasabihin ko na." suminghot pa siya. "I am a lesbian. And I am inlove with you. So stop. Kung hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko, tigilan natin ito Glaiza. Iwasan mo ako. Huwag mo akong paasahin. Hindi ako manhid."

"Aayusin ko ang trabaho ko sa TRMD. If that's what you are concerned about."

And she cried. Wala na siyang pakialam kung may makakita sa kanya o makapansing staff. She just cried her heart out. Masakit na eh. Hindi na niya kaya.

Nakita niyang kumilos si Glaiza. Shocked pa rin ito at walang masabi. Humakbang ito papalapit sa kanya pero mukhang natigilan ito. At unti-unti itong umatras.

Then she left her.

Sobrang sakit. Ang bigat bigat ng dibdib niya. Walang sinabi si Glaiza pero sobrang nasaktan siya.

Ni-reject siya nito.

Uminom pa siya ng alak. Naiiyak na naman siya. Nag-iisip na siya ngayon kung kaya pa ba niyang harapin at magpretend na parang wala lang ang pagreject ni Glaiza sa kanya.

"Mahirap yang pinasok mong gulo." naiiling si
Bianca. "Sabi ko sa iyo diba? Tigilan mo ang pangangarap na may happy ending sa inyo ni Glaiza. Straight yung tao. Sa teleserye lang ang mga story na ganun. O kaya magbasa ka ng wattpad. May love story kayo dun ni Glaiza. Try mo."

"Hindi nakakatulong ang pang-aasar mo Bianca King." Uminom siya muli. Nangingilid ang luha niya. Sobrang sakit na nga ginagatungan pa ni Bianca. Pero totoo naman ang sinasabi ng kaibigan. Talaga namang wala siyang pag-asa.

Bakit pa kasi siya umamin? Maling diskarte. Sana sinarili niya na lang. Kaso siya naman ang mahihirapan. Mabuti na rin iyon, para malaman ni Glaiza at ito na ang umiwas.

At mukhang ito nga ang umiiwas. Ilang araw na pero wala itong text o tawag. Iniiwasan niya na nga ring tingnan ang twitter niya at Instagram para hindi niya ito maalala.

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Where stories live. Discover now