Chapter Two

6.6K 173 11
                                    

"Seryoso ka ba talaga Rhian? Dito tayo kakain?" 


Naiiling si Glaiza matapos bumaba ng sasakyan. Ginamit nila ang sasakyan ni Rhian at pinabalik niya na lang ang sasakyan sa bahay nila. Pero hindi niya maiwasang matawa dahil sa pinagdalhan sa kanya ng kasama. Kung alam niya lang doon sila pupunta, sana kotse na lang niya ang ginamit.

"Bakit? Ayaw mo ba dito?" nakakunot-noo si Rhian habang nakatitig sa kanya. 

Natawa na siya. "Hello? Hindi naman sa ganun."

"Eh di halika na." yaya nito sa kanya. Nauna itong naglakad papunta sa kakainan nila.

Glaiza cannot help but to notice her long legs. Alagang-alaga ng work out. Mas na-emphasize pa iyon ng suot nitong high heeled shoes. Naisip niya na sa taping, mas madalas naka-flats si Rhian dahil halos magsing-tangkad lang sila. Saan nga ba ulit nag-gigym si Rhian?

"Ay, bakit sarado?" pinilit buksan ni Rhian ang pintuan ng restaurant. 

"Nakalimutan mo ba ang oras?" umangat siya ng tingin para tingnan ang billboard ng restaurant. Wala nang ilaw doon pero mababasa mo pa rin ang pangalan.

Runner's Kitchen.

"Bakit hindi ba ito 24 hours?" tanong ng kausap.

"Hanggang 8PM lang po ang restaurant namin." pagi-inform niya. "Halatang hindi ka kumakain dito ah."

"Grabe ka naman!" lumayo sa pintuan si Rhian. "Kaya nga tayo nandito eh. Kaya nga kita dinala dito."

"O ngayon?"

"Pandagdag benta rin kung dito tayo kakain." seryoso nitong sagot na ikinatawa niya.

"Ok. ok." she laughed. Rhian never fails to make her laugh. Noong una akala niya hindi niya ito makakasundo. She is really a nice person. Minsan nga lang sobrang bait nito sa kanya kaya lagi na itong tinutukso ng mga tao sa set. Naalala niya pa na nagpadala ito ng cake sa kanya nung tumugtog siya sa Runner's Kitchen. Kilig na kilig tuloy ang fans nila.

Iniisip niya kung hindi ba nagagalit ang boyfriend nito? Or ganun lang talaga kalawak ang pang-unawa ni Jayson? Well, maybe kampante talaga si Jayson. Sino ba naman siya para magustuhan ng isang Rhian Ramos?

Ano ba ang iniisip niya? Bakit naman siya magugustuhan ni Rhian? 

"Paano yan? Hanap tayo ng ibang kakainan?" pukaw ni Rhian sa kanya. 

"Don't worry." she opened her bag. Matapos ng ilang segundo ay may nilabas siyang maliit na bagay sa loob ng bag.

"May susi ka?" nanlaki ang mga mata ni Rhian. 

"Of course! Isa ako sa mga may-ari diba?" sinuksok niya ang susi sa pintuan at binuksan iyon. Pumasok kaagad siya sa loob at binuksan ang mga ilaw. Nagliwanag ang buong restaurant.


Wala na talagang tao. Kinumpirma iyon nang malinis na loob ng Runner's. Inilibot ni Rhian ang tingin sa buong paligid ng restaurant na pagmamay-ari ni Glaiza. Hindi masyadong malaki ang Runner's Kitchen pero maganda ang loob. Nakakarelax. 

Medyo basa pa ang sahig na palatandaan na kalilinis lamang ng restaurant. Nakataob na ang mga upuan at malinis na malinis na rin ang kusina. 

Lalo siyang humanga sa ka-love team matapos makita ang loob ng restaurant. Oo, pumupunta siya sa restaurant na ito mga ilang beses na ngunit kasama niya palagi ang miyembro ng press o kaya mga kasama sa isa pa nilang programa sa telebisyon. Wala siyang time para tingnan at pag-aralan ang paligid. Ngayon lang.

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon