Chapter Twenty-five

6.6K 216 84
                                    

7:00am.

Mariin pa ring ipinikit ni Glaiza ang mga mata pero tagos pa rin sa mga mata niya ang liwanag ng araw. Bumaling siya sa katabi.

Wala si Rhian.

Kinabahan siya pero nahagip ng mga mata niya ang umuusok na kape sa mesa. May isang box din ng donuts doon.

Pero wala si Rhian.

She got up para hanapin ito. Inikot niya ang paningin at nakita niya ang hinahanap. Nasa balkone si Rhian. Nakatingin sa kawalan at malalim ang iniisip.

Agad siyang nagbihis at kumuha ng dalawang jacket sa closet.

"Love," malambing niyang tawag sabay lagay ng jacket sa likod nito. "Why are you here? Sobrang lamig dito. Tsaka bakit mo ako iniwan ha?"

Ngumiti si Rhian habang nilingon siya. "May jetlag kasi ako kaya sandali lang ako nakatulog tapos uminom pa ako ng kape kaya imbes na antukin gising pa rin ako."

"Lagi mo akong iniiwan." himig nagtatampo niyang sabi.

"Hindi kita iniiwan," Rhian hugged her. "I'm just thinking some things."

"Like?"

"Wala ka bang rehearsal ngayon?"

"Wala maaga kaming pumunta rito at wala pa nga ang mga kasama ko. Si Alcris nga di ako tinatawagan mukhang ayaw magpaawat mamasyal."

Natahimik si Rhian.

"Teka paano ka nga pala nakarating dito?" tanong niya.

"Chance passenger ako. Naghintay ako sa airport ng ilang oras para lang makasakay ng eroplano. Bianca helped me to get a ticket."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa ni Rhian na sundan siya sa Canada. Hindi man niya masyadong isipin pero na-touch siya sa ginawang iyon ni Rhian. It only shows how much she wanted to be with her.

Bumitiw sa pagkakayakap sa kanya si Rhian.

"Hindi na ako makakapaghintay pa na makabalik ka from Canada. I need to see you Love,"

"No words can explain how happy I am to see you." ngumiti siya. "Pero, kailangan na nating pumasok dahil nagugutom na ako. Bumili ka ng donuts?" hinawakan niya ang kamay ni Rhian at hinila niya ito papasok sa loob ng kuwarto.

Sa totoo lang, ang gusto niya lang mangyari sa ngayon ay ang makasama ang mahal niya. Alam niyang may mga issue pa rin sila na dapat pag-usapan pero sa ngayon ang mahalaga ay nandito ito sa tabi niya.

"Let's get married."

Napahinto siya sa paglakad.

"Love?" anong ibig sabihin ni Rhian? Tama ba ang mga narinig niya?

"Iyon ang iniisip ko kangina pa." nahihiyang ngumiti ang kausap niya. "Actually hindi ko iniisip kung pakakasal ba tayo o hindi, ang iniisip ko ay kung kanginong apelyido ang gagamitin natin."

Hindi pa rin siya maka-react. Masyado siyang nagulat.

"Glaiza Galura Howell or Rhian Denise Ramos Galura? Ano sa tingin mo?" Nag-aalangan si Rhian kung ngingiti o ngingiwi. Kinakabahan ito, halatang - halata na nangangamba itong ma-reject. "D-dito kasi sa Canada may kakilala ako na pwedeng magperform ng wedding rites natin. Tatawagan ko ang mga kaibigan ko."

Hindi pa rin siya makapagsalita.

"Does that mean na ayaw mo?" halata ang disappointment sa mukha ni Rhian. Pero pinilit nitong ngumiti. "I know. Hindi ka pa ready. Okay lang."

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon