Chapter Twenty-two

5.3K 194 18
                                    

Everyone says that love hurts but it's not true. Loneliness hurts. Rejection hurts. Losing someone hurts. Envy hurts. Everyone gets these things confused with love.

Narinig ni Rhian na nag-click ang doorknob sa pintuan ng kuwarto niya. Ganun pa man ay hindi niya iyon pinansin. Hindi niya na rin inisip kung paano iyon binuksan. Ang alam niya ay tinago niya ang susi ng kwarto niya kaya walang makakapasok.

Lalo siyang nagtakip ng kumot. Ayaw niyang makakita ng kahit sino. Hindi ba maintindihan ng mga tao sa paligid niya na gusto niyang mapag-isa? Hindi niya kailangan ng kahit sino?!

Biglang nawala ang kumot na tumatakip sa katawan niya. Kasabay non ang pagkainis na naramdaman niya.

"Shit! Bwisit ano ba!" iritado niyang wika.

"Kamusta na?" nakangiti si Bianca habang nakatayo sa harapan niya. Wala siyang maaninag na kahit anong reaksyon mula sa mukha ng kaibigan. At paano kaya nito nakuha ang susi ng kwarto niya?

Hindi siya sumagot.

Nilapitan ni Bianca ang bintana ng kwarto niya. Nasilaw siya sa sinag ng araw.

"What the hell are you doing?! Ayoko ng araw isara mo nga yang kurtina! Wag kang gagalaw ng kahit ano sa kwarto ko!" naiinis niyang pagbabanta sa kaibigan.

Umiling-iling si Bianca. Mukhang hindi naman ito nasisiyahan sa mga nakikitang pagbabago sa kanya.

"Ang putla mo na. Wala ka bang shooting? Wala ka bang guesting? Di'ba nag-showing na ang Silong movie ninyo ni Piolo Pascual?"

"What the hell! I don't fuckin' give a damn. Just --- just...." itinaas niya ang kamay tanda ng pagkapagod sa mga pangyayari sa buhay niya. "Bianca please? I hate to say this but just leave me alone." 

"Leave you alone? Like this? Naging kaibigan mo pa ako kung pababayaan kitang ganyan. What the hell happened Yoyon? Sinisira mo na ang sarili mo!" iniikot ni Bianca ang tingin sa paligid ng kuwarto niya. Nagkalat ang mga gamit niya. May mga basyo din ng alak sa paligid. "Did you drink everyday? Ginawa mong tubig ang alak? My goodness, bakit nagkakaganyan ka? Hindi ka naman dating ganyan. Si Glaiza lang ba ang dahilan ----"

"Hindi 'LANG' si Glaiza." mapait niyang pagko-correct sa mga sinasabi ng bestfriend. "Si Glaiza ang dahilan. Actually, this is all my fault. I deserve this. I deserve all this shit."

Umupo si Bianca sa gilid ng kama. 

"Hoy Rhian Howell, umayos ka na. Sa tingin mo matatapos yang mga problema mo ng ganyan ka lang? Imbes na magkulong ka dito, bakit hindi mo kaya subukang kausapin ulit si Glaiza? Hindi kayo magkakaayos kung hindi ka lalabas sa apat na sulok ng kwarto na ito!"

"Bianca, have you ever been rejected?" mapait ang tono ng pananalita niya. "I know I will be hurt kung kakausapin ko si Glaiza. I rejected her first and I know it is painful to her. Kaya nga nung makita ko sya hinanda ko ang sarili ko na masaktan. Pero nung sinabi niya...."

She paused. Huminga siya ng malalim. Every single feeling is coming back to her.

"I felt pain. Too much pain. I thought I could imagine how much hurt her words would bring but then, when she said 'no', I realized I was wrong. Her words are more painful than I could ever imagine."

Niyakap siya ni Bianca. Ramdam nito ang sakit. Wala na itong ibang magawa kung hindi ang yakapin siya. 

"She said that I could bring her too much pain pero bakit ganun? Nasasaktan din naman ako ah. Sabi niya ako lang ang makakapanakit sa kanya ng ganon pero sinasaktan niya rin ako. We love each other, but why are we hurting each other too?"

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Where stories live. Discover now