Chapter Twenty-three

4.6K 171 11
                                    

Ninoy Aquino International Airport. Centennial Terminal.

4:50 PM.

Mabilis ginawang hakbang ni Rhian habang lumilinga - linga sa paligid. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Gustong-gusto na niyang makita at makausap si Glaiza, pero kung ganitong klaseng paghahanap ang gagawin niya ay walang mangyayari.

"Rhian ano ba ang flight number niya?" narinig niyang tanong ni Bianca. Lakad-takbo din itong sumunod sa kanya habang papasok sila sa entrance ng airport.

"Flight 116. PAL." she quickly answered. Lalo niya pang binilisan ang paglalalakad.

Alam niyang nakakatawag na siya ng pansin. Naka shorts lang sya, puting t-shirt at crocs. Simpleng naka-ponytail lang din ang buhok niya. Nagsuot na lang sila ng cap at shades ni Bianca. Para silang mga undercover agents na umiiwas sa tao.

Nag-vibrate ang cellphone niya. Napasimangot siya dahil dumadagsa na ang mga messages at notifications niya. Matagal niya kasing hindi binuksan ang telepono. Nag-ring pa ang telepono niya. Tinatawagan siya ng handler niya.

Ayaw niya muna mag-isip ng iba. Kailangan muna niyang maabutan si Glaiza at makausap. Halos paliparin niya na nga ang sasakyan kangina. Pasalamat din siya dahil hindi siya nahuli na over speeding.

Nagpapasalamat din siya sa kaibigang si Bianca dahil kahit nahihilo na ito sa bilis niyang magpatakbo ay hindi ito nagrereklamo.

"Maam, passport po at ticket." sita ng guard sa kanila.

"Teka bakit ba tayo dito nagpunta ang daming pasahero!" narealize niyang anytime ay pagkakaguluhan sila. Tumingin siya sa paligid. May mga mangilan-ngilang mata na ang nakakapansin sa kanila ni Bianca. Dapat makapasok na sila sa loob bago pa sila makilala.

Shit. 5:00 na.

Hinila siya ni Bianca sa braso niya. Tumabi sila.

"I'm calling someone. Relax." wika ni Bianca King.

Kahit ilang minuto lang iyon ay parang isang buwan siyang naghintay. Napakuyom siya ng mga palad. Kailangan niyang umabot. Hindi pwedeng ganito!

"Ms. Bianca!" tawag ng isang staff mula sa loob ng airport. Kinausap nito ang guard at pinapasok na sila.

"Thank you, Thank God!" hindi niya napigilang sabihin habang mabilis na pumapasok sa airport.

Pero nanlumo siya matapos mabungaran ang maraming pasahero. Ang haba ng mga pila. Tumingin siya sa malaking electronic board kung saan ipinapakita ang mga detalye ng flight.

PR 116...
PR 116...
PR 116...

Mabilis niyang binasa ang mga flight number  nang makita niya ang hinahanap.

"Bianca let's go! Sa gate S8!" tukoy niya kung saang gate pupunta ang pasahero kapag maghihintay na ng oras paalis.

Nakaramdam siya ng saya at excitement. It was an answered prayer.

Delayed ang eroplano.



Vancouver, Canada.

Tulala si Glaiza habang nakatitig sa monitor ng computer. Alam niyang para siyang baliw pero hindi pa rin niya maalis ang tingin sa Instagram account ni Rhian.

Hindi na ito naga-update ng Instagram nitong mga huling linggo.

Hindi na rin ito nagpakita sa kanya.

Sobra ba ang ginawa niya? Hindi na niya nakita si Rhian mula ng umalis siya papunta sa Canada. Muntik na siyang maiwan ng flight noon pero walang Rhian na dumating.

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon