Chapter Twenty

6.5K 191 54
                                    

Republiq Club. Resorts World Manila.

Tahimik na ininom ni Rhian ang alak na hawak.  Napaka-ingay ng buong paligid. Napaka-lively. Halos lahat ng tao sa reserved na lugar ng club na iyon ay nagsasaya, sumasayaw. Mas gusto niya naman ang ganoon dahil hindi siya mapapansin ng mga tao. 

Isang buwan na ang lumipas. Isang buwan na rin siyang wala sa sarili.  Binura na niya ang lahat ng tungkol kay Glaiza. Ang number nito, pictures, regalo lahat. Pero kahit anong gawin niya ay hindi niya pa rin mabura sa puso niya ang girlfriend. Minsan nagtatanong siya sa sarili niya,

Tama ba ang ginawa ko?           

Uminom siyang muli ng tequila. 

"Rhian! Hey!" wika ng isang tinig.

Napaangat siya ng tingin. Si Chyyna. Kasama nito si Kean. 

"Hi Chyyna! Kean!" pinilit niyang ngumiti. Nakipag-beso sa kanya ang dalawa. 

"Kamusta ka na?" tanong ni Chynna. Bumaling ito sa kasama. "Kakausapin ko muna si Rhian."

"Sure. Punta lang ako sa mga ka-banda ko." paalam ni Kean bago tumango sa kanya at umalis.

"Hey Yoyon! Kamusta ka na?!" tuwang-tuwa si Chyyna nang makita siya. 

Fake siyang tumawa. "I'm fine. I'm okay. Ikaw?"

"Eto nagbabanda," siniko siya ni Chyyna. "Uy pasensya na ha? HIndi ko kasi kayo binati agad ni Glaiza kasi naman alam mo na, ayoko makaistorbo."

"Binati?" 

Shit! Chynna doesn't know. aniya sa isipan. Pero anong binati? Para saan?

"Iko-congratulate ko sana nga kayo kaagad pero ayoko kayo madistorbo. Ayun, tumagal ng isang buwan ang pananahimik ko. Anyway, kailan kayo magpapataling dalawa? Saan? Napag-usapan ninyo na ba?" sunod-sunod na tanong ni Chynna.

"Magpapatali?" she looked at Chynna. Mukhang hindi naman ito nagbibiro.

"Diba engaged na kayo ni Glaiza? Grabe nakakainis yun si Glaiza nung pumili kami ng sing-sing. Adik din yun si Tsong eh ang arte - arte. Nung kinuha kasi namin yung ring ninyo....."

Unti-unting naglaho sa pandinig niya ang tinig ni Chynna. Ibig sabihin, Glaiza is gonna propose to her nung araw na iyon?! 

"Pucha," mahina niyang sambit. Napamura na siya. Napahigop siya ng hangin. 

"Patingin ng singsing! Suot mo ba? Nahirapan si Cha pumili nun." sabi ni Chynna.

Ibig sabihin, mahal talaga siya ni Glaiza? Ibig sabihin, willing talaga siyang pakasalan nito? Ibig sabihin ba nun seryoso talaga ito sa relasyon nilang dalawa? Priority pa rin pala siya ni Glaiza after all.

Mahalaga pala siya kay Glaiza.

Ang tanga ko! Bakit ko ba ginawa yun? ang tanga ko! Shit!

Mali siya. Maling-mali. 

Napatayo siya. Nanginginig ang buong katawan niya. Hindi pwedeng ganito lang. Kailangan niyang makausap si Glaiza. Magpapaliwanag siya. Kung kailangang lumuhod siya gagawin niya. 

"Yoyon?!" tawag ni Chynna. 

Hindi na niya pinansin pa si Chynna. Kailangan niyang makalabas ng club para matawagan at makapagpaliwanag kay Glaiza. Nang makalabas ay kaagad niyang di-nial ang number ng ex-girl friend. She will say sorry. Mage-explain siya.

She can't live without Glaiza. Isang buwan na siyang parang zombie. Hindi niya talaga kaya. 

Nag-ring ang phone. 

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon