Chapter Thirteen

4.8K 187 22
                                    

Lakad takbo ang ginawa ni Glaiza.

Gumawa ng paraan ang handler ni Rhian para makapasok siya sa ospital ng walang nakakakita. Hindi na siya nahiya sa manager ni Rhian at nakiusap siyang puntahan kaagad ang dalaga. Grabe ang kaba sa dibdib niya ngayon, hindi niya yata makakaya kung malalaman niya ang nangyari kay Rhian.

Ayon kay Chynna, nagmaneho ng nakainom si Rhian sa race circuit. Hinabol daw ito ni Bianca pero hindi daw nagpapigil. Sobrang bilis daw ng pagpapatakbo ni Rhian, tumaob daw  ang sasakyan ng pinilit itong iliko ng dalaga.

Secret daw dahil nagdadamage control ang manager ni Rhian. Makakasama sa imahe ng dalaga ang pagmamaneho ng nakainom. Maghohost pa naman daw ito ng TV program na Full Throttle kasama si Sam YG tapos malalaman ng media na drunk driver ito?

Your'e ruining your career Rhian Ramos! Sigaw niya sa isipan.

Gusto niyang pagalitan si Rhian. Pero hindi na niya maisip ang sasabihin. Blangko ang utak niya.

Tinakbo niya ang kwarto kung saan inilipat si Rhian. Walang katok-katok, binuksan niya ang pintuan.

And there she was. Lying on the hospital bed.

Alone.

Mag-isa dahil ayon sa manager nito, habang nasa ambulansya ay mahigpit ang bilin ni Rhian na huwag munang sasabihin sa pamilya nito ang nangyari.

Unti-unti siyang humakbang papalapit. Rhian was unconscious. May neck brace ito at may benda ang kaliwang kamay. Napalunok siya. Pigil na pigil siyang umiyak.

"Rhian?" Pumiyok pa siya dahil nga pinipigilan niyang umiyak. "Rhian, naririnig mo ba ako?"

Rhian didn't even blink. Wala talaga yata itong malay.

"Rhian, gumising ka naman oh. Pakinggan mo naman sana ang mga sasabihin ko." Himutok niya.

She caressed her face. At doon, doon na siya umiyak ng todo.

"Rhian, please makinig ka ha? Makinig kang mabuti." She said in between sobs. "Alam mo nung una kitang makasama sa Stairway to Heaven naiinis ako sa iyo. Kasi nga kilala mo ako, nadadala ako sa mga roles ko kaya I hated your guts."

"Kaya nung nagback-out si Ate Marian sobrang nag-alala ako kasi nalaman ko na ikaw yung papalit sa kanya. Hindi ako bilib sa iyo honestly.  You are so free-spirited, as if ginagawa mo lang laro ang industriyang pinahahalagahan ko. Kaya noong una awkward ako and habang tumatagal napapatunayan ko na mali ako."

"You are a great person. A good actress and I am so honored to be with you in a soap."

Umiyak na naman siya. She softly pounded her chest dahil parang ang bigat-bigat ng dinadala niya.

"Then you said that you love me. Sorry Rhian na-shock kasi ako talaga. Never kasi ako nakaranas na may nagconfess sa aking babae. I am so scared. Sobrang natakot ako at naisip ko na ganito pala, ganito pala ang nararamdaman ng character na si Jade. Naisip ko, hindi dapat. Hindi eh fictional character lang si Jade. At ang nararamdaman ko sa iyo hindi yun totoo. Na dala lang iyon ng pag-arte ko sa TRMD."

Umupo siya sa tabi ni Rhian. Wala pa ring reaksyon si Rhian pero nagpatuloy siya.

"Ang dami kong tanong sa utak ko. Lalo na nung hinalikan kita, ang dami kong tanong pero nung nalaman ko na naaksidente ka, nag-isip ako habang papunta rito."

"Inamin ko. Nung inamin ko sa sarili ko na mahal kita, biglang bigla lahat ng katanungan ko nabigyan ng kasagutan." Pinalis niya na naman ang luha niya.

"Rhian, I have so many questions but when I finally admitted that I love you, everything fell into their places. Everything felt right. And everytime na may katanungan ako sa sarili ko na bakit ganito? Bakit ganun? Sinasagot ko na, eh kasi mahal mo si Rhian and ayun naiisip ko oo nga kasi mahal ko si Rhian. Simple lang pala ang sagot,"

"So please Rhian," pagmamakaawa niya pa. "Please don't do this to me. Wag kang gagawa ng ganitong bagay. It breaks my heart to see you like this. And I love you Rhian Howell."

Hinawakan ni Rhian ang kamay niya. Nabigla siya.

"Nakapikit ako ngayon kasi natutulog ako." sagot ni Rhian sa kanya. Nakapikit pa rin ito habang nagsasalita. "You have to kiss me to wake me up,"

"Seryoso?" Hindi siya makapaniwalang narinig nito ang lahat!

"Sleeping beauty ang peg ko ngayon. And I need your kiss love-love," ngumuso pa si Rhian.

"I can't!"

"Bakit?"

"Hindi ako marunong humalik ng babae." nahihiya niyang amin.

"Glaiza, anong tawag sa ginawa mo sa akin sa condo ko? Sexual harrassment yun pwede kitang idemanda." Rhian said while closing her eyes.

"Ikaw kaya ang humalik sa akin! Diba sinandal mo pa nga ako sa -----"

"Dali na! Ang arte mo!" pinipigilang tumawa ni Rhian.

Nanahimik siya. Well, the offer is tempting.

"Dali na," ani Rhian.

"Okay." she resigned.

"I'm waiting." Mukhang gustong mag-enjoy ng pasyente niya. Huminga ng malalim si Rhian at nakapikit pa rin nitong nirelax ang sarili.

"Wag kang nguso ng nguso!" Saway niya sa dalaga.

Ngumisi ito at nagtulog-tulugan. Nagseryoso kahit kitang-kita sa katawan na kinikilig.

Siya rin naman kinikilig. Bwisit talaga hindi naman siya sanay ng ganito eh! Kailan pa ba ang last kiss niya?

But seeing her waiting in front of her awakened the thirst within her. Namamagneto na naman siya kay Rhian.

Dahan-dahan siyang lumapit. Pero hindi na niya pinatagal dahil gusto niya na rin naman.

Glaiza kissed Rhian.

It was light at first. Tinukso-tukso niya si Rhian. She planted soft kisses on her mouth. Pero nang tuluyang nagpaubaya si Rhian ay hindi na rin siya nagpatumpik tumpik pa.

She claimed her Rhian. Her Jade. The kiss deepened and it's like quenching each other's thirst. It was sweet. Sweeter than honey.

Naging mapangahas na rin sila pareho sa isa't-isa. Pinilit ni Rhian iangat ang ulo pero naka-neck brace ito. Siya na ang gumawa ng paraan, idiniin niya ang sarili kay Rhian.

Rhian raised her right arm. Walang benda iyon kaya malaya nitong iniangkla ang braso nito sa leeg niya. Urging her to go deeper.

She deepened the kiss. The more she does that, the more she feels her thirst for this woman.

"Lock the damn door." utos ni Rhian matapos maghiwalay ang mga labi nila.

Pero hindi pa siya tapos. She kissed her again.

Naghiwalay sila bigla ng makarinig ng nahulog na bagay.

"Aray! Shiiiiiit! Fuck! Ang init!"

Lumingon sila sa pinanggalingan ng boses. Pareho silang na-shock.

Nakatingin sa kanila ang head writer ng TRMD na si Suzette Doctolero. Nahulog nito ang dalang kape dahil sa eksenang nadatnan. Basa ng kape ang t-shirt na suot ng head writer nila.

*********************

Guys let me know what you think about the story. Ayan 2 update in one day hehehe  hindi ako makapaniwala sa sarili ko na ginagawa ko ang intense scene na ito sa isang coffee shop kaloka. Nakikigamit kasi ako ng wifi hehehe

Enjoy and have a nice day!

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Where stories live. Discover now