Book 2 Chapter 4

4.7K 166 36
                                    

Napabuntong-hininga si Rhian habang nakaupo.

Tinitigan niya ang buong lugar bago tinatamad na isinandal ang gilid ng ulo niya sa pader. Kangina pa siya sa stairway. Napabuntong-hininga siya ulit. Nabo-bore na siya.

Hindi naman siya makapunta sa sasakyan nila ni Love dahil naiwan niya ang susi sa condo. Ayaw niya namang magpakalat - kalat sa lobby ng condominum at baka may makakilala sa kanya, makapagdulot pa siya ng komosyon. Mas mahirap kung makita siya roon ni Tita Cristy at Alcris. Mas malaking problema.

Tinitigan niya ang hawak na smartphone. Hindi pa rin tumatawag si Love. Mukhang magtatagal si Tita Cristy at Alcris sa condominum.

Paano na lang kung doon matulog ang nanay at kapatid ni Glaiza?

Napakunot-noo siya nang maisip iyon. Saan naman siya pupulutin sa ganitong sitwasyon? Hindi siya pwedeng matulog sa bahay nila. Magtataka ang mommy niya kapag sa bahay siya natulog. Matutuwa ito oo, pero iisipin din nito na may problema dahil biglaan. Ayaw niya rin naman sa hotel at baka may makakilala sa kanya.

Palaboy na ang dating niya ngayon. Baka maglatag na lang siya ng karton dito sa stairway at dito matulog.

"Haaaaaay!" bulalas niya habang nag-iinat at tinitigan pa rin ang telepono. Kailangan niya yatang i-text si Bianca ngayon.

Bianca. She typed then sent her message.

Halos isang minuto rin siyang naghintay bago ito nag-reply.

Sup?

Napasimangot siya. Ang tipid naman mag-reply ng bruha. Nag-type siyang muli ng mahaba-habang mensahe.

May problema Hari. I nid ur help.

Tumunog ang cellphone niya. Nag-reply si Bianca.

Walang - wala din ako ngayon Yoyon. I'm really sorry.

"What the ----" napatuwid siya sa kinauupuan bago mabilis na nag-type.

Ms. Bianca King hindi ako mangungutang! Wat r u talkin about?! I nid a rum to sleep tonight! I'll sleep over at your place. DON'T EVEN DARE 2 SAY NO!

Nagulat siya matapos marinig ang pag-ring ng cellphone niya. Sinagot niya agad iyon.

"Hello?"

"What the hell are you talking about?! What happened?! Are you serious?!" sunod-sunod na tanong ni Bianca sa kabilang linya.

"I'm s-serious?" sagot niya rin ng patanong dahil hindi niya ma-gets ang sinasabi ng kaibigan. Naiintindihan niya lang yung huling question.

"Pwede ba pag-usapan ninyo yan! Idinadamay mo pa ako! I went through hardship with the security guards para lang mahabol mo yung eroplano nung time na iyon! Halos mapagod ang kamay ko kapipirma at kasusulat ng dedication sa mga anak at asawa nila at nakailang fan signs ako ha? Ilan?! Tapos ngayon makikitulog ka sa bahay? Are you insane? Is that how impulsive you are?!" halos marindi siya sa mga pangaral ni Bianca.

"Are you drunk?" nagtatakang tanong niya. Malinaw naman ang tono ni Bianca. Matino naman. Hindi niya nga lang ma-gets.

"Bakit magpapakalasing ka na naman? Hindi mo ba naisip ang nangyari sa iyo last time sa race track?! Wag ka na magbuwis buhay Yoyon, ako na lang ang maglalagay ng neck brace sayo!Nakuuu, sasabunutan talaga kita! Wala ka nang maisip na matino! Ang mga problema, pinag-uusapan yan hindi idinadaan sa ------"

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Where stories live. Discover now