Book 2 Chapter 5

3K 112 12
                                    

Kangina pa nakatitig si Glaiza sa kopita ng alak sa harapan niya.

Sobrang ingay ng paligid. Lahat ng tao ay nagsasayaw at sumasabay sa malakas na tugtog na nanggagaling sa malaking stage sa bandang gilid niya. Umiindayog ang dj at sumasabay sa tugtog na pino-produce nito. Isa lang ang naisip niya. Ipinagpasalamat niyang hindi si Patty ang DJ na iyon.

Madilim ang buong paligid pero paminsan-minsan ay nakikita niya ang kumpol ng tao sa harapan niya dahil sa mga ilaw na nagsasayaw. Nahihirapan siya pero pinilit niyang hanapin si Rhian.

Where is she?

Sobrang dami ng tao. Sobrang dami ding mukha na kilala niya. Hindi tuloy siya makalapit kay Love na kasama ang kapatid nitong nagkukuwentuhan.

Shit. Ano pang gagawin ko dito?

Nakita niyang gumalaw ang yelo sa baso niya. Natutunaw na ang malamig na yelo, senyales na kangina pa siya nakatunganga doon.

"Love, bakit may kumakatok sa sasakyan?!" nagugulat niyang wika kay Rhian na pikit na pikit ang mata.

Numipis ang labi ni Love. Tanda ng pagkainis.

"Don't mind it Love. Just give me my kiss!" Ngumuso pa si Rhian habang pikit na pikit.

Narinig niyang muli ang katok. Nakikita ba sila sa loob? Tinted tong sasakyan diba?

"Love..." ungot ni Rhian. Naiinis itong pumadyak. "Yung kiss ko!"

"Ang kulit mo may kumakatok!" Nahihintakutan niyang wika. Paano kung makita sila ng press?

Bago pa siya nakahuma ay sinunggab siya ni Rhian. She pressed her lips against hers. Nagulat siya pero hindi na nakatanggi.

Langhap niya ang mabangong hininga ni Love. Nanindig ang mga balahibo niya. Nararamdaman niyang nag-init ang mga tenga niya.

Pero sandali lang iyon.

Mabilis bumitaw si Rhian. Inayos sandali ang buhok at lumabas ng sasakyan.

What the-----! pero hindi na siya nakaimik dahil ayaw niyang malaman ng mga tao sa labas na nasa loob siya. Binitin siya ni Rhian Denise Ramos Howell!

Humanda ka kapag nakabalik ka dito! naiinis niyang naisip habang nakasimangot na sumalampak lang sa passenger's seat. Naisahan siya dun ah.

"Denise!"

Sino yun? Denise? As in si Love?

Ngayon niya lang narinig na tinawag si Love niya sa pangalang Denise. Lahat sila Rhian. Baka kamag-anak? Kapatid niya? Tama. Ate ni Love iyon sigurado siya.

Nanatili siyang nakaupo sa loob ng sasakyan. Saglit na nanahimik ang paligid. At dahil sa katahimikang iyon ay nakaramdam siya ng pagkabalisa.

Where is Rhian? Ano ba pwede na ba siyang lumabas ng sasakyan?

"Sisilip ba ako?" mahinang kausap niya sa sarili. Hindi naman siguro masama at hindi naman siguro siya mapapansin ng mga tao sa labas dahil maingay naman sa lugar na iyon. Patuloy pa rin sa paglabas-masok ang mga tao sa club.

Pero paano kung may makakilala sa kanya? Maraming press ngayon.

Isang silip lang. She wants to know what's happening at the moment. Rhian is outside at hindi man lang siya itext man lang kung nauna na itong pumasok sa loob ng club.

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora