Book 2 Chapter 7

3.3K 136 30
                                    

Sunday morning.

Napabalikwas si Glaiza sa biglaang pagtunog ng alarm clock sa ulunan niya. Bigla siyang napabangon.

May commitments ba siya ngayong araw? Bakit biglang - bigla tumutunog ang alarm clock niya? 

"Anong oras ba ang call - time ko?" mahina niyang usal habang sumusulyap sa relo niya. Six-thirty pa lang ang oras. Napakaaga pa kung wala siyang lakad ngayon. At isa pa, Linggo naman ngayon.

Nagdududa sa sarili niyang hinanap ang maliit na kalendaryo sa bedside table ng kama. Linggo nga ba talaga? Pero sa kasamaang - palad, wala ang kalendaryo sa bedside table.

At ang malala pa roon, walang bedside table!

Inilibot niya ang tingin sa paligid. 

"Nasaan ako?!" nahihintakutang wika ni Glaiza. Hindi ito ang kuwarto nila! Oh my, nakidnap ba siya? Ospital ba ito? Mukhang hindi naman dahil kulay light blue ang wall paper sa kuwarto. Marami ding unan at komportable ang higaan. Kulay blue din ang comforter.  May mga maliliit na painting na nakasabit sa wall ng kuwarto. May bedside lamp sa gilid. Tiningnan niya ang bintana at naisip niyang may balkonahe sa labas. Hindi ito ospital. Nakidnap siya?! Paano ang ransom? Alam kaya ng mga mahal niya sa buhay kung nasaan siya ngayon? 

Or was she raped?

She gulped so hard bago pikit mata at dahan-dahang sinilip ang katawan sa ilalim ng comforter. Naiiyak na siya. Hindi siya makapaniwala na pwede palang mangyari sa kanya ang mga ganitong bagay. Alam niya sa mga pelikula lang ito nangyayari pero bakit siya pa??

Pinahid niya ang luha kahit nakapikit ang mata. Pinakikiramdaman niya rin ang sarili.

"Hindi kita ni-rape." napaigtad siya sa boses mula sa labas ng kuwarto. 

Napabilis tuloy ang pagtingin niya sa ilalim ng comforter. Nakahinga siya ng maluwag nang makita na may suot siyang damit. Naisip niya kung kanginong tinig iyon. Hindi niya makita dahil medyo malayo.  Iniyuko niya ang ulo at tumingin sa kanan niya, naroroon ang pintuan ng maliit na kuwartong iyon. Sinilip niya ang nagsalita.

And there she was, holding a frying pan while turning on the induction cooker.

It was.... her.

"Do you really think that you were raped?" nagtama ang tingin nila. This was the woman last night. Tandang-tanda niya ang chestnut color na buhok nito. Her figure. And her eyes.

She has hazel eyes.

"I guess you think so highly of yourself. Magpakumbaba ka naman kahit konti. Kahit artista ka, namimili rin ako noh," she put a loaf of bread soaked from liquid into the frying pan. Lumikha iyon ng amoy na nagpakalam ng sikmura niya.

Tiniis niya ang gutom at sumagot. "Kinidnap mo ba ako?!"

Tumawa ang babae at umiling-iling na ikinainis niya. Nababaliw na ba ito? Baka papatayin na siya nito mamaya! Tapos nagluluto pa, parang Hansel and Gretel lang? Patatabain muna siya bago isasalang sa oven!

"Bakit naman kita kikidnapin?" kinuha nito ang nalutong french toast at inilagay sa cutting board. "You fainted. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa iyo kaya iniuwi na lang kita sa condo ko."

"Condo mo?" 

"Yes. Obvious ba? Nagluluto ako dito at tayong dalawa lang ang magkasama ngayon." matapos ang ilang sandali ay hinati na nito ang nalutong french toast. Kumuha rin ito ng orange juice sa refrigerator. 

"Malay ko ba kung taga-luto ka lang dito." naka-ismid na wika niya.

She looked at her blankly. Then after a while, ipinagpatuloy na lang nito ang paghahanda sa table. Kangina pa pala siguro ito nagluluto. May bacon at fried egg din kasi. Na-set na nito kaagad ang mesa. She's fast.

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Where stories live. Discover now