Book 2 Chapter 10

355 11 10
                                    

"Nag-usap na kayo ni Alcris?"

"Hindi pa." saglit na natahimik si Glaiza. "Simula nung ---- nung sa ospital." 

Inayos niya ang bluetooth headset na nakalagay sa kanang tainga. Kahit hindi niya ugali ang makipag-usap sa telepono habang nagmamaneho ay pakiramdam niya ay kailangan niya ngayon ng makakausap.  

"Glai, masayadong maraming naglalabasang balita tungkol kay Rhian pero hindi ka naman kasama doon eh," wika ni Chynna sa kabilang linya. "So --"

"So hindi ako dapat mag-worry ganun?" napailing siya. "You know very well this is not what I want Chynna."

"Anong gusto mo? Mag-come out?!" parang gulat na gulat si Chynna sa kabilang linya. 

"Kung iyon ang makabubuti sa lahat, bakit hindi?" 

"Makabubuti?! Ang gulo-gulo na Glaiza! Huwag mo nang dagdagan. Mamamatay din ang chismis na yan!" wika ni Chynna.

Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya sa sobrang frustration. Paulit-ulit ang mga salitang binitiwan ni Denise sa harapan niya nung araw na iyon.

Kaya mo bang protektahan si Rhian?

"Yes, Chynns. Magulo. Pero paano naman si Rhian? Ano 'to sasagipin ko lang ang sarili ko sa chismis at pababayaan siyang pagpyestahan ng mga balita?"

"Glai, you also have issues. Asikasuhin mo muna kaya si Alcris bago mo maisipang mag-out? Ano ang sasabihin ng mga magulang mo? Alam mo Glaiza, naiintindihan kita. Hindi naman natin mapipigilan ang mga sarili natin sa kung sino ang gusto nating mahalin eh. Suportado kita alam mo yan, pero sana isipin mo rin na hindi lahat ng tao matatanggap agad lahat ng mga desisyon mo." 

Natahimik siya. Minsan lang magseryoso ng ganito si Chynna. May point din ang kaibigan niya pero hindi niya rin naman pwedeng iwan sa ere ang asawa niya. Nasasaktan siya sa tuwing ginagawan ito ng mga articles ng mga reporter. Naiinis siya dahil habang pinagkakaguluhan ang asawa niya ginagawan ng kung ano-anong balita, bina-bash sa internet, ay wala siyang magawa.

Alam niya iyon. Hindi naman siya tanga para hindi malaman ang samu't-saring komento ng mga netizens sa pag-amin ni Rhian. Maraming sumuporta, pero marami rin namang nagkomento ng hindi maganda.

Nagulat siya sa pagtunog ng busina ng sasakyan sa likod niya. Umusad na pala ang nakalinyang sasakyan patungo sa parking lot ng condo nila. Lumiko siya papuntang parking lot.

"Glaiza. Just don't be impulsive." wika ni Chynna na nakikiramdam sa pananahimik niya.

"I know Chynns but I can't leave Rhian alone." lumabas siya ng sasakyan at mabilis na tinungo ang elevator na sakto namang nakahinto sa floor na iyon. "Alam mo ba na nahihiya ako sa mga magulang niya? They know what's happening Chynna. Kaya nakapagpasya na ako." 

Lumabas siya ng elevator makalipas ang ilang sandali. Dire-diretso siya sa unit nila ni Rhian. 

"Aamin ka na?!" 

Napatango siya kahit nasa telepono ang kausap. Tiningnan niya agad ang wedding portrait nila ni Rhian sa maliit na living room ng unit nila. Kapag nakikita niya iyon ay parang nabubuhayan siya ng loob. Tiningnan niya rin ang mga sapatos ni Rhian at ang ilang malilit nilang mga larawan na nakadisenyo sa bahay nila. Na-mimiss na niya si Rhian, hindi niya pa ito natatanong kung makakalabas na ba ito kinabukasan. 

"Tama ka. Tatawagan ko si Alcris at pipilitin kong mag-usap kami ------" napatanga siya matapos buksan ang pintuan. 

"Glai?" ani ni Chynna sa kabilang linya.

"Chynns," napakagat-labi siya matapos lumapit sa dining table. Nakita niya ang ilang piraso ng clear folder sa mesa. Unang tingin pa lamang ay alam na niyang script iyon. Lumipat ang tingin niya sa pagkain. May dalawang tupperware na magkapatong. Tiningnan niya ang laman. Dinaluhong siya ng kaba. 

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon