Chapter 15

5.1K 145 12
                                    

The Rich Man's daughter taping day.

"Hoy Glaiza gumising ka na! Kangina ka pa natutulog. May taping ka ba ng SAS or Vampire ng Daddy ko kahapon? Parang pagod na pagod ka!" mahinang hinampas ni Chynna ang legs ni Glaiza.

Glaiza stirred at pinilit nitong bumangon. Antok na antok pa siya. Kailangan siguro niya ng kape. Nagpuyat na naman sila ni Rhian kahapon. Magka-usap sila at kung hindi pa nag-alarm ang cellphone niya hindi nila mamamalayan na inumaga na sila.

Still, she is thankful na mamaya pa ang call time ng girlfriend niya. Atleast, may time itong magpahinga.

Naghikab siya bago nagsalita. "May kape ba tayo? Sobrang inaantok ako,"

"Bakit ka nagpuyat? Sino ba ang pinagpuyatan mo? Si Benjamin?"

Bigla siyang nagising sa sinabi ni Chynna. "Hoy! Magtigil ka nga! Bakit naman ako magpupuyat para kay Benjamin?!"

"Uuuuyyy denial," tukso ng kausap.

Napasimangot siya. Hindi niya lubos maisip na kailangan niyang magpuyat para sa lalaking iyon. Magchecheck na lang siya sa FB kaysa magpuyat para kay Ben. Mabuti na lang wala ang Love-love niya ngayong tinutukso siya ni Chynna. Hindi niya alam kung paano magre-react na hindi mahahalatang ayaw niyang magselos ang girlfriend.

Silent na lang siya. Hindi talaga siya mahilig mangbara. Tahimik kasi talaga siyang tao at kung si Chynna ang kalaban niya sa kadaldalan, matatalo siya.

"O nandito na si Love-love!" sabi ni Chynna.

"Chynna ano ba? Huwag ka sabing magtawag ng Love-love eh! Paulit-ulit ako ah! Ano ba kailangan unli ako sa pagpapaalala sa iyo ha?" naiinis niyang sabi. Tumalon ang puso niya ng marinig na nandito na si Rhian pero parang pinigilan iyon ng pagka-inis niya kay Chynna.

"Ano ba kasing problema mo sa Love-love ha? Gusto mo ikaw lang ang tumatawag ng Love-love kay Rhian? Love ko din siya noh! Ang selfish mo!" komento ni Chynna.

Napahawak siya sa mukha dahil sa inis. Paano niya ba ipaliliwanag sa kaibigan niyang pasaway na ito na siya lang at SIYA LANG ang pwedeng tumawag ng Love-love kay Rhian??

"Love, bakit?" nakangiting wika ni Rhian dahil nadatnan nito sila sa ganoong sitwasyon. Nakasuot lang ito ng faded jeans at white-shirt. Simpleng nakapony-tail lang ang buhok nito. She looked so fresh and pretty.

Lumapit ito kay Chynna at nakipag-beso beso. Then she turned to her and hugged her tight. Then she kissed her cheek. Tumagal iyon ng ilang segundo.

"I heart you." she whispered at bumitaw sa kanya.

"Eh kasi yang ka-love team mong si Glaiza de Castro Galura, lagi na lang imbyerna kapag tinatawag kitang love-love. Ang selfish ng babaeng yan!" sumbong ni Chynna kay Rhian.

Natawa si Rhian habang napatingin sa kanya. Umiwas siya ng tingin.

"Huwag mo na akong tawaging Love-love Chynna." seryoso si Rhian ng sabihin iyon. "Ayaw ni Glaiza ng ganun."

Kumunot ang noo ni Chynna pero sumagot.

"Okay."

"Eto na nga pala yung script sa eksena natin Love. Basahin mo muna yung mga lines. Teka, nagkape ka na ba? I'm sure puyat ka."

Napangiti siya sa tinuran ni Rhian. Pero ang hindi niya alam, nakatitig sa kanya si Chynna. Parang takang-taka na ito na hindi nila mawari.

Asikasong-asikaso siya ng girlfriend niya buong araw. Ngayon lang yata naging sobrang saya ng taping days niya. Everything felt so smooth and okay. Lagi silang take-one kaya ang bilis nilang matapos. Pero sa totoo lang ayaw na niyang matapos ang araw na iyon. Hangga't kasama niya ang Love - love niya, kahit maghapon at kahit araw-araw silang mag-taping okay na okay lang sa kanya.

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora