Unsent Letters Book 2 Chapter 13

206 15 4
                                    

                                                                               Rhian's POV


Tumayo ako at lumayo mula kay Glaiza.
Inilang hakbang ko lang ang pintuan at binuksan ko iyon. Tumambad sa akin si Mommy Cristy at Alcris.

Nakasimangot si Mommy Cristy, habang umiiling na lang ang kapatid ni Glaiza.

Glaiza has already stopped crying but because she really cried her heart out earlier, she couldn't help but to make those sobbing sounds.

Lumapit si Mommy Cristy sa anak niya. Umupo ito katabi ni Glaiza.

"Tumigil ka na nga diyan bata ka!" 

Nakayuko lamang si Glaiza. Nahihiya yata. Hindi ko alam kung anong iniisip ng asawa ko. Kuntento lamang akong nakatayo sa harapan nila. Gusto ko silang bigyan ng time para makapag-usap kahit paano.

"Ate Rhian, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" wika ni Alcris. Nakatingin ito sa akin habang kakamot-kamot sa ulo.

"What do you mean?"  Anong desisyon?

"Kay Ate Glaiza ba?!" naiiling si Alcris at matapos noon ay humigit ito ng hinga. 

Hinga ng frustration.

"Tingnan mo nga! Napakaiyakin! Ano ba yan? Sure ka ba talaga diyan sa ate ko? Kung ako yan...jusko!" 

I just shrugged my shoulders. I just smiled while looking at Glaiza who is now looking at her brother. 

"Drama queen ka talaga Ate!" Tumingin ulit si Alcris sa ate niya at tapos ay sa akin siya tumingin. "Ate Rhian, dinala niya yata yung character niya sa the Rich Man's Daughter! Feeling niya siya pa rin si Jade!"

"Althea." pagtatama ko. "Siya si Althea dun. Si Jade, role ko yun."

"Ah ganun ba? Eh diba sa teleseryeng yun si Jade lagi yung umiiyak?"

Hmmm... Napaisip tuloy ako. Pareho naman yatang umiiyak silang dalawa dun.

"Kaya naisip ko lang, baka ang gusto talaga ni ate yung role ni Jade. Yung role mo. Lakas makadrama eh. Akala mo pinagkaitan ng mana!" nababungisngis si Alcris. 

"Pipilipitin ko yang leeg mo Alcris." masama ang tingin ni Glaiza sa kapatid pero humihikbi. "Ibibitin kitang patiwarik ungas ka."

Lalo akong napangiti. Ok na si Glaiza. 

Three hours ago.

Hindi ko alam kung tama itong gagawin ko. Nasa tapat ako ngayong ng bahay ng Galura residence. Nakatulala lang ako sa gate ng bahay ni Glaiza.

Hesitating.

Pinatay ko muna ang cellphone ko. Napakaraming tumatawag at nagmemessage sa akin, halos hindi ko na alam kung sino ang naunang nag-message. Masyadong magulo ang mga reporters ngayon, ayaw akong tigilan sa issue namin ni Denise. Social Media isn't helping either. The notifications on my phone wouldn't stop.

In a way, I also turned my phone off just in case Glaiza calls me. I know I will chicken out kapag narinig ko na ang boses ni Glaiza. I am sure uurong ako. 

Huminga ako ng malalim bago pinindot ang doorbell. This is it.

Maya-maya pa ay bumukas ang main door ng bahay ng mga Galura. Lumabas ang pamilyar na bulto mula sa pintuan.

Si Alcris.

Mukhang alam na niyang ako ang nag-doorbell at mukhang nasilip na nila ako mula sa loob ng bahay. Hindi ko naramdaman ang pagkagulat sa mukha ni Alcris o kahit pagtataka man lang. Tahimik lang na binuksan nito ang gate upang papasukin ako.

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Where stories live. Discover now