Chapter Twenty One

4.7K 183 31
                                    

Gulat na gulat si Glaiza nang makita ang babae sa harapan niya ngayon.

It was really Rhian.

She wanted to cry. She missed this woman so much. Ilang linggo lang ang lumipas ngunit parang isang taon siyang naging mag-isa.  She tried her best na hindi umiyak pero talagang nagbabanta na ang mga luha niya.  

Pasimple siyang tumalikod habang nagsasalita si Rhian para punasan ang luha.

Huminga siya ng malalim habang kino-compose ang sarili. Hindi dapat siya magpakita ng kahinaan. Lalo na sa harap ni Rhian. She have to appear strong in front of her. Iniwan na siya nito, bakit pa kailangan niyang ipakita na nasira siya nito?


"Girlfriend?" napangiti si Patty sa harapan niya. Mukhang isang malaking joke ang sinabi niya sa babae.

"Don't even dare." lakas - loob niyang wika sa kaharap. She has to be strong. Hindi siya pwedeng magpatalo kay Patty.

She has to do everything just to bring Glaiza back.

"Ang alam ko, single na ulit si Glaiza." wika ni Patty sa kanya at binalingan nito ang nakatulalang si Glaiza. "Glai, Let's go grab some coffee." tinangka muling hawakan ni Patty ang kamay ni Glaiza pero mabilis niya iyong tinabig.

"Don't you touch her ano ba?!" uminit na ang ulo niya dahil sa matinding selos. God knows how much she wanted to pull Patty's hair. Nagpipigil talaga siya. 

"Rhian please? You have nothing to do here! What are you doing? Wala na bang karapatang magkape si Glaiza ha?!" lumalaban si Patty.

"Wala kang karapatang ayaing magkape si Glaiza!" sigaw niya kay Patty. "Glaiza is my girlfriend kaya huwag mong subukang umeksena Patty!" nawala na siya sa pagpipigil at lumakas papalapit kay Patty. Humabol si Glaiza para pigilan siya.

"Rhian! Rhian! Please!" awat ni Glaiza.

Malakas niyang itinulak si Patty pero napigilan siya ni Glaiza.

"Are you going to stoop this low Rhian? Wala na kayo ni Glaiza diba? Anong pinuputok ni butse mo?! Nananahimik na si Glaiza!" napaurong si Patty pero nagsasalita pa rin.

"Fuck you! Your'e trying to ruin us Patty! Alam kong mahal pa rin ako ni Glaiza! Ako ang mahal niya! Hindi ka ba marunong rumespeto ha? Hindi ka marunong dumistansya? Hindi ka pa ba nakipagrelasyon? Why are you trying to squeeze in yourself  between us?! Godammit I really wanna pull your hair!" nanlaban siya pero yakap siya ni Glaiza. She was already crying. She looked so messed up. Hindi na niya kayang kontrolin ang sarili kaya sinusugod na niya si Patty.

"Glaiza, let's just go and leave Rhian alone." wika ni Patty. "She's crazy."

"Fuck you! You bitch!" nakatakas ang kamay niya para abutin si Patty pero maagap na nahawakan iyon ni Glaiza. Gustong-gusto na niyang sapakin si Patty. 

"Patty I'm sorry. Mag-uusap kami ni Rhian." mabilis siyang hinila ni Glaiza papasok ng recording studio. 


Patuloy na umiyak si Rhian kahit na nasa loob na siya ng recording studio. 

Niyakap siya ni Glaiza.

"Sssssshh," narinig niyang pag-alo nito sa kanya.  "Tahan na."

Lalo siyang napaiyak. Matagal na niyang na-miss si Glaiza. Ngayong nasa harapan na niya ito, hindi niya mapigilang lalong maiyak. Na-realize niya talaga na hindi na niya kaya na mawala si Glaiza sa kanya. 

"Tama na Rhian," pinunasan ni Glaiza ang mga luha sa mata niya. "Tama na." 

Suminghot-singhot siya at pilit na ngumiti. "I'm okay."

Tinitigan siya ni Glaiza matapos nitong kumalas sa pagyakap sa kanya. 

"You look..." natigilan ito. "You lost too much weight."

Pinunasan niya ang sariling luha. "I never felt so ugly in my entire life."

Hindi na siya nag-aayos ng sarili. Hindi na siya nagsusuklay ng buhok. Hindi na rin siya kumakain. Nanlalalim na rin ang mga mata niya at nangingitim. Pina-maga pa iyon ng pag-iyak niya ngayon. Kahit anong ayos niya sa sarili, mukha pa rin siyang haggard.

"Mag-ayos ka ng sarili mo. Kumain ka naman." advise pa ni Glaiza. Pumunta ito sa sulok ng studio at inilabas ang bag. May kinuha ito sa loob ng bag, crackers.

Iniabot nito sa kanya ang pagkain. "Ito lang ang dala ko eh, pero pwede na itong pagtyagaan. Kainin mo na---"

"Glaiza, I'm sorry." pumiyok ang boses niya dahil naiiyak na naman siya. "I'm sorry. I still love you. Patawarin mo na ako Glai. I realized how stupid I am for letting you go. Please give me another chance."

Napabuntong-hininga si Glaiza. Umupo ito sa tabi niya at pinahawak sa kanya ang dalang crackers.

"Kumain  ka na nga. Don't make me think that you ruined yourself because of 'that' decision." tukoy nito sa desisyon niyang pakikipaghiwalay niya rito.

"I ruined myself because of 'that' stupid decision Love." naiiyak na naman siya habang nakatingin sa crackers na binigay ni Glaiza. Concerned pa rin ito sa kanya kahit na sinaktan niya ito. "Ayokong kumain. Kakain lang ako kapag narinig ko na mismo sa bibig mo na tayo na ulit."

"Para kang bata," komento ni Glaiza pero nakatingin sa kawalan.

"Love, wala na ba talaga? Hindi mo na ba talaga ako mahal? Bakit ilang linggo na ang lumipas pero hindi mo ako tinetext o tinatawagan? Wala na ba talaga ako para sa iyo? Sabihin mo naman sa akin Love. Pero alam mo, umaasa pa rin ako. Umaasa ako na ako pa rin. Please patawarin mo na ako." pagmamakaawa niya kay Glaiza. 

"Yung wala?" humarap sa kanya si Glaiza. Nakita niyang naiiyak na ito. Tinuro nito ang dibdib. "Yung wala ang tinatanong mo? Sana nga wala eh kaso nandito pa rin eh. Alam mo ba kung gaano ako nasaktan? Kung ano ang pinagdadaanan ko?" 

"I'm sorry," she said while trying to control her tears. "I'm really sorry for being so stupid. Saktan mo ako Love. Sampalin mo ako, sabunutan, sapakin. Please, just forgive me after that."

"I love you too much para sampalin ka. Nasaktan talaga ako Rhian. Lahat ng mga pangarap ko gumuho."

"I love you. I love you so much I really hated myself when you left me. I never felt like this before. Ngayon lang talaga ako nagkaganito. Sa iyo pa. Kaya please, tayo na ulit please? Mahal mo pa naman pala ako. At sobrang mahal pa rin kita. Let's give it another shot Love. I promise hindi na kita sasaktan. Please Glaiza please..." she begged. She hugged Glaiza. 

Matagal sila sa ganoong posisyon. Naiyak na rin si Glaiza. Pahid ito ng pahid ng luha pero bumabagsak pa rin. 

"Glaiza, I love you." she said between sobs.

"I'm sorry." mahinang sabi ni Glaiza. "I am really sorry but we can't be together." 

Napalunok siya sa mga sinabi ni Glaiza. Napatingin siya sa mukha ng kausap. Tama ba ang mga narinig niya?

"You hurt me Rhian. Masyado akong nasaktan. Ngayon naman, natatakot na ako. Ayoko nang masaktan ulit. At ikaw lang ang makakagawa noon sa akin kaya I can't. You hurt me so much I am scared of loving you again," umiiyak si Glaiza. 

"Glaiza? No!" agap niya. "Hindi na talaga iyon mangyayari okay? I promise. I won't hurt you anymore. Bigyan mo ako ng chance!"

"No. I am really sorry." umiling si Glaiza. Tumayo ito at hinalikan siya sa pisngi.

Then she left her with an unbearable pain.


Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Where stories live. Discover now