Book 2 Chapter Three

4.4K 171 34
                                    

Punas dito punas doon.

Iyon ang kasalukuyang peg ni Glaiza habang hinihintay na lumambot ang nakasalang na karne. Hanggang ngayon ay hindi siya mapakali.

Today is Saturday at anytime ay darating na ang Mommy Clara.

Wow! Nakiki-mommy! Ambitious! wika ng isang panig ng utak niya.

Bakit ba?! Alam naman ni MOMMY Clara ang tungkol sa amin ni Love-love ah! umiirap na tanggol ng kabilang utak niya.

Sus! Kaya yun pupunta dahil mag-tutuos kayong tatlo!

Hindi kaya!

Yun kaya!

Hindi!!!!!!

"Hay naku inaaway mo na naman ang sarili mo." bungad ni Rhian sa kanya.

Katatapos lang nitong mag-grocery. Madami itong mga dala. Inilapag nito ang malalaking bag sa mesa. "Tigilan mo na ang pagpunas Love. Kumukulo na ang karne oh!"

"Shit!" sambit niya. Hindi pwedeng lumipad ang utak ngayon!

Hindi niya namalayan ang pagdating ng Love-love niya. Ganun ba talaga siya ka-seryoso sa pakikinig ng pagtatalo ng dalawang panig ng utak niya?

Napatakbo na lang siya sa kalderong kumukulo. Kangina pa ito nakasalang. Siguro naman ay magagawa na niyang lutuin ang all time favorite daw na pagkain ni Mommy Clara,

Kare-kare.

Hindi niya alam kung magagawa niya ba ang kare-kare base lang sa pagtatanong niya sa kanyang ina. Takang-taka ang Mama niya dahil nagtanong siya kung paano magluto ng kare-kare kahit na hindi naman siya mahilig magluto. Kaya nga si Love ang nagluluto lagi para sa kanila eh.

"Love?" naramdaman niya ang pag-yakap ni Rhian sa likuran niya.

"Ang tahimik mo. May problema ba?"

Napalingon siya sa likod ng asawa. Napangiti siya nang makita ang nagtataka nitong mukha.

"Wala." mabilis niyang hinalikan ang tungki ng ilong nito bago simulang haluin ang nakasalang na karne. "Naiisip ko lang kung magugustuhan ng Mommy mo itong kare-kare."

"Magugustuhan ni Mommy yan," wika ni Rhian. "Dapat kasi hindi ka na nagluto eh. Pagod ka pa kagabi sa photoshoot. Pwede namang bumili lang sa labas."

Umiling siya. "Ano na lang ang sasabihin sa akin ng Mommy mo? Hindi kita kayang pakainin?"

Natawa si Rhian sa mga sinabi niya. "My goodness Love, it doesn't matter okay? I can eat whatever on the table and Mommy knows that!"

"It does matter." diin niya. "Ayokong isipin ng Mommy mo na pinababayaan kita. Na nahihirapan ka sa piling ko. I want to be a person who deserves you."

Ngumiti si Rhian at bahagyang namula. "I'm flattered."

She's really cute when she's blushing. Hinalikan niya ito. Tumugon din si Love. Kahit ilang beses niyang halikan si Rhian ay parang first time pa rin nila. She explored every inch of her mouth.

"L-love," ungot ni Rhian. Naibaba niya ang hawak na sandok at lumipat na ang dalawang kamay niya sa mga braso ni Love.

She's urging her to continue. Nararamdaman niya ang kakaibang kuryente sa katawan habang nagdidikit silang dalawa.

Hindi niya ito hiniwalayan at isinandal niya si Rhian sa pinakamalapit na pader. Still kissing her. Teasing her and exploring her.

"Love," Rhian weakly shrieked when she traced her neck with her lips. Napapikit ito ng mariin. Bumilis din ang paghinga nito.

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon