Book 2 Chapter Two

7.4K 234 53
                                    

Glaiza nasaan ka? Bakit wala ka sa gig nila Kean ngayon?


Tinitigan ni Glaiza ang message na iyon ni Chynna.


Buong linggo na siya nitong kinukulit na sana daw ay mag-bonding naman sila. Mula kasi ng umuwi siya mula sa Canada kasama ang magandang my Loves niya ay hindi na muna siya nagpakita sa mga kaibigan. Hindi rin siya masyado sa social media, at nabawasan ang paglabas-labas niya ng bahay.


Lagi lang siyang bahay-trabaho.


Nag-ring ang telepono niya. Rumehistro ang pangalan ni Chynna sa screen ng smart phone niya.


"Hello?"


"Hoy Glaiza kaibigan mo pa ba ako ha?" nagtatampo ang boses ni Chynna sa kabilang linya. Maingay ang background kung saan man naroroon si Chynna.


"Hmmm. Teka sino ba 'to?"


"Loka ka talaga! Seryoso ako ha!" halos matabunan ang boses ni Chynna dahil sa tugtog ng kinaroroonan nito. "Tatlong - buwan na tayong hindi nagkikita! At saan ka pa natuto ng mga ganyang sagot ha?!"


Napataas ang isang kilay niya. "Three months lang akong nanahimik akala mo naman three years na."


"Na-mimiss na kita Tsong! Hindi kami pwedeng laging magkasama ni Kean. Baka magkasawaan kami. I need space."


"Drama mo ha? Patay na patay ka nga kay Kean." sagot niya.


"Syempre joke lang yun." bawi ni Chynna. "Nasaan ka ba ngayon ha? Nakauwi ka na ba?"


Napatingin siya sa gilid mula sa kinauupuang sofa. Kung sasagutin niya ng seryoso ang tanong ni Chynna; yes, nakauwi na siya. She finally went home to spend time with Rhian. Yun nga ang balak niya, ang mag-spend ng time with Rhian kaso itong Chynna na ito isang malaking istorbo.


Nakita niya si Rhian na paikot-ikot sa munti nilang kitchen. Hindi niya maintindihan ang ginagawa nito. Pero parang gusto niya itong kantahan ng kanta ni Yeng. Naghihiwa ito sandali tapos babalik na naman sa lutuan. Madaling-madali.


Master Chef ang peg mo Love - love?


"Hoy Tsong hindi ka na sumagot." pukaw ni Chynna sa kanya. Istorbo talaga ito.


"Nakauwi na," sinundan niya ng tingin muli si Rhian. Naghiwa na naman ng kung ano ang Love-love niya. Mukhang pinawisan na ito sa ginagawa. Kumuha ito ng bawang at matapos noon ay sinubukang pitpitin.


She saw how her graceful hands crush the garlic. Pero nalipat lalo ang atensyon niya sa suot nitong maluwang na t-shirt. Napaka-luwang ng neckline ng t-shirt na iyon. Bahagya siyang umangat sa kinauuupuan.


Vavavoom! sigaw ng utak niya.


Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon