Chapter 4.1

5.9K 178 9
                                    

Napalunok si Glaiza sa tinuran ni Rhian. Parang siyang binusalan. Hindi siya maka-react.

Nakayakap pa rin sa kanya ang dalaga. Pwede bang ulitin nito ulit yung mga sinabi nito? Parang nabingi siya ng bigla at parang namali yata siya ng intindi. Ano nga ulit?

She was in shock. Pero bago pa siya makapagsalita, binitawan na siya ni Rhian. She was smiling sweetly at her.

"Tapos na ang ten minutes Cha. Let's go."

Sya naman ngayon ang nagpatianod na lang sa mga nangyayari. Hawak naman ngayon ni Rhian ang kamay niya. Iginiya siya nito sa make up artist niya para makapag-retouch siya. Iniwan siya nito sandali at nagpa-retouch din. Inayos na ulit ang mga ilaw, anggulo ng camera pati ang puwesto nila. Nagpatianod pa rin siya sa mga nangyayari kahit na parang wala na siya sa sarili.

Hindi pala 'parang'. Wala na talaga siya sa sarili niya.

Namalayan na lang niya na kaharap niyang muli si Rhian. She looked so comfortable now. Nakangiti pa ito at mukhang masigla. Samantalang siya na ang ninenerbiyos.

Nope. You can't be nervous Glaiza, kailangan mo itong ayusin. wika ng utak niya. Huminga siya ng malalim at pinilit na magfocus sa pag-arte. Pinaulit-ulit niya ang mga linya niya.

"Ok ready!" sigaw ni Direk Dom. "Lights, Camera, Action!"

"Close na talaga kami ng mga kapatid ko lalo na nung mga bata kami. Mahilig kaming mag-bungkal sa garden namin, tapos paramihan pa kami ng mga makukuhang bulate. And then one day, si Ahya Paul, may nakita siyang bulate.. yung mabilis siyang maglakad..yung maraming galamay?" linya ni Rhian.

"Centipede?!" she said.

"Yon! Yon! Nakakita siya ng centipede. So, papalapit sa kanya yung centipede tapos bigla siyang tumili sobrang lakas yung high - pitched talaga aaaaaaaaah!" Rhian screamed. "Tawa kami ng tawa ni Kuya Gab kasi nung bata pa siya parang bading na din siya tumili diba?"

"Eeeeeeh?? Seryoso?"

"Pero ikaw? Kailan mo nalaman na lesbian ka?"

"Teenager pa lang ako nang ma-realize ko na nagkakagusto talaga ako sa ibang girls. Pero ayoko naman maging lalake so nag-memake up pa rin ako.. naghi-heels. Ikaw? Kailan mo na-realize na medyo...medyo iba ka?"

"Hmmm. Never naman talaga ako na-attract sa girl." Rhian flipped her hair. "Umm, it's just one day, one weird day... wala straight ako tapos bigla akong.... bumaluktot?"

"At na-inlove ka sa akin." she declared.

Nagsisimula na naman siyang mawala sa momentum niya. Nakikita niya kasing nahihiya si Rhian habang kumakain ng sandwich. Naalala niya ang mga sinabi nito sa loob ng fire exit. Paulit-ulit sa utak niya ang mga sinabi ng dalaga. She pushed herself to focus and remember her lines.

She removed the food from the side of her lips. This time, nawala ang tensyon niya. She was looking at her intently. Admiring her cuteness.

"When you're in love, you see no gender. Dahil ang nakikita mo lang is how you want that person to feel that he or she is loved more than anything else." she cupped her chin. She is losing herself. She is already drawn into her while looking at her eyes. Pinagbuti niya ang tingin kay Rhian.

I have to move forward and attempt to kiss her. She lowered her head slowly. Lumapit siya habang nakatitig sa kaeksena. Maya-maya pa ay komportableng pumikit si Rhian. Lumapit pa siya.

Gosh, hindi pa ba magka-cut si Direk? she still lowered her face hanggang sa magpantay ang mga labi nila. Baka kailangan talaga malapit na malapit. Lumapit pa siya nang bigla siyang nagulat when Rhian also moved forward.

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat