Chapter Six

5.2K 174 8
                                    

GMA network center. Quezon City.

Nakakunot-noo si Chynna habang nilalamig sa suot. Kangina pa siya ready para sa susunod na pictorial. Nakabihis na rin siya dahil ang sabi sa kanya ng handler niya, tatlong oras lang ang itatagal ng pictorial ng Rastro.

Nasa likod siya ng assistant photographer na kumukuha ngayon ng mga larawan ni Glaiza at Rhian para sa GMA Bloggers Style Camp. Pagkatapos kasi nito ay sila naman ang kukunan nila Katrina at Sheena Halili para sa isang magazine kaya lahat sila nandoon at nagpe-prepare.

Nakatingin siya sa dalawang babae na nagpopose sa harapan niya. Glaiza and Rhian are wearing their gowns. Pinagpapalapit sila ng photographer pero pansin niyang wala sa mood ang dalawa.

"Rhian, Glaiza maglapit pa kayo!" Sigaw ng photographer habang patuloy sa pagshoot.

Nakita ni Chynna ang mabilis at sunod-sunod na pagpasok ng mga larawan sa screen ng laptop sa harapan ng assistant photographer. Mga sampung larawan ang pumasok sa screen. Tinitigan iyon ng mga staff.

Umiling ang assistant photographer.

"Hindi ito pwede." wika nito.

Maski siya napansin niya rin. Walang emosyon ang pictures ng dalawa. Parang may wall. Napakunot-noo siya. Kangina pa sila anong petsa pa matatapos ang pictorial ng dalawang ito?

"Sir Ken." tawag ng Assistaant photographer sa kasama. "Hindi pwede sir, ulitin natin."

Napailing ang kumukuha ng larawan. 

"Rhian, Glaiza paano tayo matatapos? Wala akong makitang chemistry! Bakit parang hirap kayong maglapit?"

Nagkatinginan ang dalawa pero sandaling-sandali lang. Mukhang nag-iiwasan na naman.

"Break muna tayo please." sagot ni Glaiza. Napahawak ito sa noo dahil sa frustration.

"Sige break muna tayo! Please ayusin ninyo naman ni Rhian, hindi tayo matatapos sa ginagawa ninyo!" naiinis na ang photographer.

"Anong nangyayari sa dalawang lukaret?" nasa likod niya pala si Katrina. Nakaayos na rin ito. Naka-make up na rin.

"Hindi ko alam." sagot ni Chynna. She crossed her arms.  "Kangina pa ang dalawang yan. May problema na naman siguro."

"Eh di ba close na sila? Anong drama nila? Naka-make up na kaya ako!" inip na wika ni Katrina.

"Ewan ko." Nagkibit-balikat si Chynna. Tinititigan niya ang dalawa na kaagad naghiwalay matapos sabihin na break time na. Tahimik pareho si Rhian at Glaiza. Lumapit naman ang mga handler nila na may kasama.

"Ms. Glaiza and Ms. Rhian, may short interview po tayo para sa Orange Mag. Kung pwede po magkasama ninyong sagutin ang mga tanong." Narinig niyang sabi ng babaeng kasama ng handler.

Tumalima naman si Rhian at Glaiza. Nagtabi sila sa binigay na upuan ng handler nila. Nagulat siya ng biglang tumakbo si Katrina sa direksyon ng dalawang babae.

"Miss pwede ako magtanong??" habol ni Katrina sa interviewer.

Ibang klase si Katrina sinapian na naman. Wala sigurong magawa pati role ng interviewer kinukuha.

"Ay sige Ms. Katrina!" Natatawang pagpapaubaya ng reporter.

Ibinigay ng reporter ang set of questions kay Katrina. Tahimik pa rin si Glaiza at Rhian. Umupo si Katrina sa harapan ng dalawa.

"Ito? Ito?" tinuro pa ni Katrina ang mga nakasulat sa hawak na papel.

"Yes Ms. Katrina."

Tumikhim muna si Katrina bago nagsalita.

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant