Chapter Eleven

4.9K 174 8
                                    

Ilang oras na rin si Glaiza sa ospital pero gusto na niyang lumabas.

Hindi binibigay ng manager niya ang cellphone niya kahit anong pakiusap niya. Magfocus daw siya sa pagpapahinga. Hindi naman siya makatulog.

Iniisip niya si Rhian. Bakit hindi man lang ito dumaan bago umuwi? Hindi ba ito concerned sa kanya? Nasaktan siya nang maisip ang bagay na iyon. Natiis talaga siya.

Kumontra naman ang isip niya. Bakit naman siya dadalawin pa ni Rhian? Sino ba siya?

Right. Sino nga ba ako sa buhay niya? Si Glaiza lang ako na katrabaho niya.

Nabuhayan siya ng loob matapos bumukas ang pinto pero nadissappoint siya sa bisita niya.

Si Benjamin.

Pero pinilit niyang ngumiti. Grabe ang sama niya naman kung ipapakita niya sa bisita niya na wala siyang ibang gustong makita kundi ang kalove team na si Rhian Ramos.

Inilapag ni Ben ang dalang prutas sa mesa.

"Apples?" Pilit ang ngiti niyang tanong sa binata.

"Hindi ba mahilig ka sa apples?" Balik-tanong ni Ben sa kanya. "Kamusta ka na? Huwag ka kasing magpapagod."

"Nabigla lang siguro ako." Sagot niya. "Sunod-sunod kasi ang mall shows ko ngayon eh."

Umupo si Ben sa tabi ng kama.

"Tigilan mo kasi ang pagiging workaholic Cha."

"I need it. Sayang ang opputunities. Eto na ang resulta ng lahat ng pinaghirapan ko."

"You don't have to overdo it." Seryosong sagot ni Ben. "Kaya ba grabe din ang effort mo sa love team ninyo ni Rhian? Ano ba talagaang real score ninyong dalawa?"

Maang na napatingin siya kay Benjamin.

"Nakakahalata na ang mga tao sa paligid ninyo. Lagi kayong magkasama. Hinahatid mo pa so Rhian sa kanila kahit napakalayo ng bahay mo sa Alabang. Si Rhian ganun din. Sabay kayong kumain at alam ninyo lahat ang schedule ng bawat isa. Grabe din ang effort mo Cha. Saludo ako sayo."

Hindi siya nakasagot. Hindi naman effort yun. Wala nga syang kaeffort effort dahil natural na ginagawa niya kay Rhian yun.

"Nitong huli ang matindi. Magkasama kayo sa condo ni Rhian at siya ang nagdala sa iyo sa hospital." parang nangaakusa ang tinig ng binata. "Sabihin mo nga sa akin Cha ano ba yun? Magkaibigan naman tayo diba?"

Napahawak siya sa sentido niya.

"Benjamin Alves? Reporter ka na ba ngayon?" Medyo naiirita niyang tanong. "Why am I always being asked with these kind of questions?"

"Kapag may usok, may apoy." komento ni Ben.

"Kaibigan mo ako Cha since Dading days pa. Siguro naman I deserve to know."

"Deserve to know what?"

"Is Rastro real?"

"What?!" Natawa siya at bumangon. "Of course, Rastro is real!"

"Do you like Rhian Ramos?" Seryoso si Ben. "As in Rhian Ramos? Gusto mo siya?"

"Ben? Ano ito?" Natensyon na siya. May ideya siya sa sinasabi ni Benjamin pero nagpanggap siyang hindi niya maintindihan ang lahat.

"Ano ba Glaiza De Castro? Sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang feelings mo kay Rhian!"

"Friend ko si Rhian." agap niya. "Friend ko lang siya. My gosh Benjamin pati ba ikaw nahopia namin? Alam mo naman na para sa mga fans lang ang sweetness namin. Alam mo ang fan service hindi ba?"

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Where stories live. Discover now