Book 2 - Chapter One

6.6K 221 44
                                    

"Now, ready!"

Sumeryoso si Rhian at bahagyang ibinuka ang mga labi. Iniangat niya ang mukha at sumandal sa makinis at mamahaling Porsche. Matapos noon ay ipinadulas niya ang katawan para makaupo sa hood ng kotse.

Nag-project siya habang naka-bend ang isang leg at na nakasampa sa bumper ng kotse.

"Okay! Isa pa!"

Iniba niya ang anggulo ng mukha. Nag-pose siyang muli.

"Good."sigaw ng photographer. Sunod-sunod ang pagclick ng shutter sa camera nito.

Bumaba siya sa pagkakaupo sa hood ng kotse. Tumayo siya sa harap noon at pasimpleng itinaas ang kaliwang kamay bago bahagyang isinuklay ang buhok. Project ulit.

Click! Click! Click!

Sunod-sunod muli ang shutter. Ilang minuto pa siyang paiba-iba ng puwesto.

"Okay good!"sigaw ng photographer. "Maganda ang mga kuha mo ngayon Rhian! Nasa mood ka today huh?"

Napangiti siya. "Lagi naman akong nasa mood Jess."

Lumapit sa kanya ang PA niya at ang wardrobe crew. Pati make up stylist.

"Teka magpapalit ako ulit?" nagtatakang tanong niya. Ang alam niya tapos na ang pictorial niya ngayong araw na iyon.

"Last na po ito Ms. Rhian. Casual clothes lang madam." wika ng isang babae.

"Casual carefree make up,"wika ng make up artist.

"Akala ko makakauwi na ako eh," Gusto ko nang umuwi ano ba?

Ngayon ang eksaktong tatlong buwan nilang kasal ni Glaiza. Kahit sa kagustuhan niyang huwag gawin ang pictorial ngayong araw na ito ay hindi niya magawa. May recording din si Glaiza ngayong araw na kaya wala rin ito. Hindi pa sila nagkikita mula ng maaga itong umalis kangina.

Nakaramdam siya ng pagka-miss. She wants to see her wife.

My gosh, last na dapat ito ha? Uuwi na talaga ako pagkatapos nito!

Magluluto pa siya. Tama. Nagluluto na siya. Pero hindi madalas dahil laging nagiging magulo ang kusina, laging may umuusok at lagi siyang napapatili. Ilang beses na rin siyang napaso, nasugatan at natalsikan at nangako siya sa sarili na hindi nagluluto kung hindi rin lang life and death situation. Pero iba kasi ngayon, dapat magcelebrate sila ni Glaiza. Kailangan niyang ipagluto ang asawa niya.

Effort to the highest level ang drama niya ngayon!

"Ms. Rhian, okay na po ba?" tanong ng isa sa mga wardrobe crew habang nasa labas ng makeshift changing room.

"Oo okay na." sagot niya at lumabas. Napatingin siya sa pantalong suot. Anong brand ng pantalon ito? Di niya nakita. Gusto ni Glaiza ang ganitong style eh. Para makabili siya.

She smiled at herself. So far, she's been happy being a good partner in life to Glaiza. Masaya siya na lagi niya itong naiisip. Naiisip na may dapat na siyang alagaan at protektahan ngayon.

"Ms. Rhian, yung ring po pakitanggal,"

"Ha?"

"Yung ring po pakitanggal." Tukoy ng babae sa suot niyang sing-sing.

Mabilis na nagprotesta ang sarili niya. Kumunot din ang noo niya.

"No. Hindi ko tinatanggal ang sing-sing na ito." pinal niyang sabi bago nauna papunta sa studio. Kahit hindi niya gusto ay nakaramdam siya ng pagkainis sa kausap.

At sino ito para ipatanggal ang wedding ring niya? Magkamatayan na talaga!

"Ms. Rhian sandali lang naman po! Five minutes lang!"humabol sa kanya ang babae. "Hindi po kasi bagay sa suot ninyo na may sing-sing----"

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat