Chapter Five

5.9K 181 26
                                    

Rhian kissed her cheek. 

Yumuko ito para makipag-beso beso sa kanya. Sa totoo lang nakiramdam siya, kung gagawin muli ng dalaga ang padaplis na halik sa mga labi niya. 

"O paano Love? I'll be going. I'll miss you." Rhian happily waved her right hand.

"Miss you agad?" natatawa niyang patol sa kakulitan ng dalaga. Wala naman itong ginawa. She just kissed her cheek. So aksidente lang talaga ang paghalik nito sa kanya sa taping? Wala talaga sigurong intensyon si Rhian na mahalikan siya. 

"Text me," bilin pa nito at pumasok na sa gate ng bahay.

Nawala ang ngiti niya matapos siyang salubungin ng katahimikan. Mag-isa na ulit siya.

Sa totoo lang,  Naniniwala na siya na nagbunga na ang pagwowork shop niya tuwing may bagong soap. Ang galing niya magpretend na nakangiti siya kahit na naiinis siya sa mga tanong niya.

Nagsimula iyon matapos aminin ni Rhian na si Jason na talaga ang nakalaan rito. Hindi siya nagpahalata at pinilit niya talaga kahit na nakaramdam siya ng matinding pagkadismaya sa sinabi ng dalaga. 

Glaiza sighed. What is this feeling? Why does she have to be disappointed over things that are obvious? Jason is Rhian's boyfriend. Kaya nga naging boyfriend niya si Jason hindi ba? In love si Rhian kay Jason.

Napasubsob siya sa manibela. Isa pang hindi niya maintindihan ay ang pagkadismaya rin niya sa pagbeso ni Rhian. 

"Baka nadadala lang ako sa role ko," mahinang wika niya sa sarili. Napahilamos siya sa mukha at pinaandar na muli ang makina ng sasakyan.

Tama. Nadadala lang ako sa role ko.

"Wabb nasaan ka? Kasama ko si Bianca."

Titig na titig si Glaiza sa natanggap na mensahe. Galing iyon kay Rhian. 

She smiled. It's been like this for several weeks. Lagi silang magkatext na dalawa. Masipag sila pareho mag-update sa isa't-isa. Noong una medyo naiilang siya pero sa katagalan ay nasanay na siya. Minsan nga naiinip siya at nag-aalala kapag hindi ito nagtetext.

She typed her reply. 

I am going to SMX today Love.  Nandito pa ako sa GMA. 

Shit. Nagdalawang isip siya kung isesend niya ang reply pero nai-send niya na pala. Napailing siya. Hindi dapat niya lalagyan ng 'Love' eh.  Sana 'wabb' na lang para hindi mukhang serious siya. 

Otaku mode na pala ang Love-love ko. Korra? Is that you?

"Korra!?" she exclaimed. Kilala niya si Korra. Hindi niya maintindihan. Something in her part felt right and makes her feel that being Korra is okay pero kinokontra ng utak niya. Napaisip siya habang nakatitig sa reply ni Rhian.

"Korra, ano na naman yang iniisip mo? Si Love-love ko na naman ba?" singit ni Chynna sa likuran niya.

"What?" pati ba naman si Chynna?

"Sabi ko," binagalan at nilakasan ni Chynna ang boses. "Korra, ano na naman yang iniisip mo? Si Love-love ko na naman ba?"

"Chynna please!" impit niyang saway sa kaibigan. "What makes you think I am Korra? Pwede ba hinaan mo yang boses mo!" luminga - linga siya sa paligid. Mabuti sila lang ang tao sa hallway ng floor na iyon.

"What's wrong? Ayaw mo ng Korra? Bakit? Natatakot ka? Natatakot kang malaman ng lahat na naging si Korra ka na?" tumatawa na si Chynna. "Teka nasaan ba si Love-love ko?"

Mabilis nag-init ang ulo niya. "Pwede ba wag mo akong tanungin about kay Rhian? Tsaka please tigilan mo ang pagtawag sa kanya ng Love-love ko? Wala tayong taping okay? At kahit may taping hindi mo rin siya dapat tawaging Love-love. May Abby ka na."

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Where stories live. Discover now