CHAPTER 27

25 0 0
                                    

                                :)

"Happy anniversary!!"


Ka-videocall ko si Blake, alas dose ng gabi ko siya tinawagan kung saan alas nueve ng umaga sa kanila. Oras kung saan papasok palang sya ng school nila.



Nilapit niya ang mukha sa screen. [Happy anniversary, mahal!]



"Kamusta ka?" May halong pagkasabik kong tanong.



[I'm fine, I have an exam today. I'll call you later.] 



"Ganon ba? Sige na, mamaya nalang tayo mag-usap. After school mo then mag movie night tayo." Paalam ko sa kanya.



[Sure, I'll call you when I got home. I love you.] He waved his hand.



"I love y —" He ended the call.



Ang hirap. Ang hirap ng gantong sitwasyon, sa totoo lang. Aaminin ko na hindi ako sanay na lagi akong nakatapat sa screen. Lagi kong hawak ang laptop o kaya cellphone ko, imbes na ang kamay o mukha niya ang hawak ko. Imbis na labi ang hinahalikan ko ay screen, minsan sa hangin pa. 



Parang magkaibang mundo ang ginagalawan namin. Ang hirap na kailangan kong manatiling gising sa gabi para lang makausap sya.  Tipong papasok palang ako ng school at siya naman ay kakauwi lang, minsan pagod na pagod pa siya. 



Tipong sa isang linggo, inaabangan ko lang lagi ang weekends. Kasi doon okay lang kung buong magdamag kami magkausap.



Ang kagandahan lang hindi nagbago si Blake. Ganon pa rin siya, he knows how to communicate properly. Nakakapaglaan pa rin siya ng tamang oras para makausap ako at mabigyan ng attention. Nakagawian na rin namin mag-aral ng sabay sa videocall, parang magkasama lang din kami.



Sinara ko nalang ang laptop ko at pabagsak na humiga sa kama. Maaga pa ang klase ko bukas. Lagot nanaman ako sa adviser ko kapag nalate ako. Papagalitan nanaman ako ni Sir. Miguel.


"Muntik mo na ako maunahan, Rivera." Inayos ni Sir. Miguel ang eyeglasses niya.



Nagkasalubong kami sa hallway kung saan papunta sa classroom namin. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko.



"G-Goodmorning po, Sir." Bati ko sa kanya, inayos ko ang basa kong buhok.



"Last mo na 'yan." Sabi niya bago ako talikuran at unahan pumasok sa loob ng classroom.



Sumunod ako sa kanya sa loob at mabilis na umupo sa bakanteng upuan. Nilingon pa ako nila Nikki pero hindi ko sila tinignan at nilabas nalang ang mga notes ko. 



Tinuon ko ang buong atensyon ko sa klase. Napatigil ako sa pagsusulat ng bigla akong tawagin ni Sir.



"Rivera," Tawag niya.


Dahan-dahan akong tumayo, "Po?"

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now