CHAPTER 23

115 5 1
                                    

                                :)


"Hala! Siya yung bata dati, 'di ba?" Turo ni Nikki sa may counter. Isang maliit na batang lalake na nakatingkayad at inaabot ang drinks kay Bruce. Tuwid na tuwid ang buhok nito, para siyang bunot at may bilog na salamin sa kanyang mga mata. "Ayun, ulit daddy niya." dugtong nito.



"Oo nga 'no, sayang 'di na ako single. Hindi bale gawa nalang kami ni Lucas." Humagalpak ng tawa si Raine.



"Huy! Tama ka na!" ani Nikki.



Mga nag-aya kasi sila na pumunta kami ng mall para mag Coffee and Brews. Matagal na rin nung huli naming punta rito at ngayon lang nagkaroon ng libreng oras para sumaglit kahit papaano.



"Kamusta pala research niyo? Nalalapit na ang defense." Sabi ni Raine, tinikman niya ang cake na order. 



"Ayun, namomoblema may kulang pa kami." Walang ganang sagot ni Nikki.



"Inapprove na yung sa amin." Sagot ko.



"Tinulungan ka ni Blake?" May halong kuryusidad na tanong ni Raine.



"Hindi, kasama ko lang siya nung gumagawa ako."



"Pero tumulong siya kahit papaano?" 



"Siguro? Chineck niya lang gawa ko." Hindi siguradong aniya ko.



Pumitik sya sa hangin na parang may naisip na maganda, "Papatulong ako kay Lucas my babes!"



"Tangina alam ko sa Research by group, hindi by pair." Reklamong bulong ni Nikki.



"Alam ko nga si Carl magaling sa research. According to Blake, Carl was the only one who finishes their research back when they were in high school." Imbentong kong Sabi. 



"Talaga? Mabuti kung ganon, matalino naman pala siya." Tumango-tango sya pero makikitaan na  wala syang pake.



"Kung ako sa'yo magpatulong ka na rin." Magiliw na sabi ni Raine.



"Kaya ko 'to. Kaya ko mag-isa." Tanggi ni Nikki.



Nagtinginan kami ni Raine at sabay na umiling. Iba talaga ang pride ng kaibigan ko, kahit halata na sakanya hindi pa rin sya aamin.



Tumikhim ako, "Ikaw din..." 



Nanatili kami sa pwesto namin hanggang sa magdilim na. Kung kailan paalis na kami doon pa bumuhos ang napakalakas na ulan. Malas pa dahil sa kabilang building pa ng mall ang sakayan na pauwi saamin.



"Sino ba may balat ang puwet sainyo?" Nakasilip sa bintanang sabi ni Raine.


Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin