CHAPTER 30

45 3 0
                                    

                                :)

Sa wakas narito na ang truck na inarkila namin para sa paglilipat. Ngayong araw kami lilipat nila Nikki sa condo ko. Mabuti nalang at pinayagan sila dahil kung hindi tiyak na mag-isa lang akong titira doon.


"Paki-ingatan nalang po yung mga gamit," Bilin ko sa mga nagbubuhat, "Meron pa po doon sa loob." Dugtong ko.



"Carisa, eto ba kasama rin?" Tinuro ni ate Cha ang night table na nakalagay sa garahe.



"Oo ate." Sagot ko.



Noong nakaraang linggo pa umalis sila Mama pauwi ng bataan. May mga kinuha syang ibang gamit at yung iba ay binenta namin.



Pinaghati-hatian namin nila kuya Louis ang mga gamit sa bahay. Halos lahat ata napunta sa akin dahil katwiran nya mag-isa lang naman sya sa condo nya at hindi nya kailangan nang maraming gamit.



Ganto pala kahirap maglipat. Andaming bitbitin at mga kailangan ayusin. Bago kami lumipat minabuti ko muna na maayos na ang unit, hindi kasi basta-basta nalang kami lumipat. 



"Ma'am kasama po ba 'to?" Iniangat ng lalake ang binili kong wood craft sa pililia wind farm.



"Opo, kasama po 'yan." Kinuha ko sakanya 'yon at nilagay sa likuran ng kotse ko.




Nang dumating kami sa building ay nakita ko kaagad si Nikki na naghihintay sa lobby. Mukhang mas excited pa sya kesa saakin. 



"Wow beshie! Ang laki neto ah?" Sabi ni Nikki.



Hindi ko inakala na ganto kalaki ang binili ni Mama na condo. Pagpasok mo ay bubungad sa'yo ang kusina na may maliit na countertop sa gitna at pwede maglagay ng dining table. Sa kanang bahagi ay may maliit na hallway kung saan papunta sa tatlong kwarto at isang banyo. Sa gitna ay sala na kasya ang L shape sofa na may round coffee table. May sliding door doon kung saan papunta sa Balcony na kitang-kita ang mga nagtatayuang building.



"Beshie saan 'to?" Tanong niya.



"Dito, beshie." Turo ko sa isang gilid, "Kuya, palagay po dito yung sofa." 



Bago pa man kami lumipat ay ginuhit ko na ang pwedeng layout ng sala at dining. Nagkasundo kami ni Nikki sa pagpili ng kwarto, yung dulong kwarto ang pinili ko. Katapat ng kwarto ko ay si Nikki at ang naiwan ay nireserba namin para kay Raine.



"Beshie, pwede bang kumain muna tayo?" Napapagod na tanong ni Nikki.



Malapit na rin kami matapos sa pag-aayos. Ang problema nalang ay ang kusina, wala pa kami sa kalahati ng pagsalansan ng kagamitan dito.



Pinagpag ko ang aking kamay at nilapitan sya, "Padeliver nalang ba tayo?" 



"Ayoko, nakakasawa mga pagkain sa restaurant. Pwede bang mag-grocery nalang tayo, hanap tayo pwedeng makain doon." Aniya.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now