CHAPTER 46

36 1 0
                                    

                                :)

"Please give me another chance, Carisa." nagmamakaawa niyang sambit.



Hindi ako nagsasalita. Nakatingin lang ako sa kanya. Umaapaw ang emosyon sa akin at nahihirapan akong huminga. 



"I promise, hindi na ako mawawala sa tabi mo. I want you back... I want you back to me..." humina ang boses niya.



Umatras ako ng subukan niyang lumapit. Tinitignan ko lang siya habang umaatras, punong-puno ng luha ang mata niya at walang awat ang pag-agos niyon. Hinawakan ni Blake ang palapulsuhan ko para pigilan akong umalis.



"Iiwasan mo ulit ako? Please, Carisa, let's talk. Ayusin natin 'to... Ayusin natin ang tayo," he begged.


Hinarap ko siya puno nang luha ang mga mata ko, "I-I'm sorry, Blake, I don't think I'm ready for this."



Binawi ko ang pulsuhan ko sa kanya at tumakbo pabalik sa kwarto. Nagmamadaling niligpit ko ang gamit ko at nilagay 'yon sa maliit kong maleta. Kinuha ko ang susi at bumaba para sumakay sa sasakyan.



Sinubukan pa akong lapitan ni Blake pero hindi ko siya pinansin. Sumakay agad ako ng kotse at nagmaneho papalayo.



Pinaghahampas ko ang manibela habang nasa byahe. Walang awat ang pagluha nng aking mga mata. Tumigil ako sa isang gilid at sinandal ang ulo sa manibela. Mahina akong umiiyak, nilalabas lahat ng sakit na kinimkim ko.



Akala ko handa na ako. Akala ko okay na ako. Akala ko kaya ko na harapin siya. Akala ko hindi na ako iiyak at hindi na mararamdaman ang gantong pagsikip ng aking puso. Akala ko lang pala 'yon.



"I'm sorry... I'm sorry," mahinang bulong ko habang umiiyak, "I'm sorry, Blake..."



Gusto kitang bumalik sa akin pero sa tingin ko hindi pa ito ang tamang panahon. Gusto kong bumalik sa dati na kung anong meron tayo pero hindi ako handa. May takot pa rin sa puso ko na baka maiwan nanaman ako mag-isa, gaya noon. 



At kung mangyari man ulit 'yon hindi ko na alam gagawin para bumangon ulit. Hindi ko na kakayanin kung maiwan nanaman ako at magkasakitan nanaman tayo.



Nang mahimasmasan ay binuksan ko ulit ang makina para magmaneho muli. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayoko bumalik doon at ayoko rin na umuwi sa condo ko. 



Ang huling alam ko nalang ay diniretso ko ang daan. Daan pauwi sa amin, sa bataan. Nasa loob lang ako ng sasakyan habang nakaparada sa harapan ng bahay namin.



Ang tagal na rin nung huling umuwi ako rito. Sinandal ko ang ulo ko sa headrest habang tinititigan lang ang bahay namin. Nahihiya akong bumaba at magpakita sa kanila dahil sa itsura ko.



Onti nalang at nakukuha na nang liwanag ang kalangitan.  Lumipas pa ang ilang oras bago bumukas ang gate namin. Napaayos ako ng upo nang makita si Papa na magtatapon nang basura.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon