CHAPTER 21

109 4 1
                                    

                                :)

Para akong naglalakad na zombie sa hallway ng school papuntang classroom. Isang araw lang kasi ang naging pahinga ko mula nung kasal at pagtakas namin ni Blake papuntang tagaytay.


"Omg! So fresh naman this girl." Bungad sa akin ni Asha.



"Fresh from Bataan - I mean El Nido with her one and only chef." Kumapit si Raine sa akin.



"Sa mukha niya parang sobrang enjoy siya 'no?" Sarkastikong sabi ni Shane.



"Isang araw lang kasi pahinga ko," Nakalabi kong sabi.



"Bakit pinagod ka ba ng husto ni Blake?" May halong kadumihang sabi ni Wayne.



"Ano ba ang aga-aga hot seat agad ako," Nilagpasan ko sila at pabagsak na umupo sa upuan ko.



"Umiiwas nanaman siya," Iling-iling na sabi ni Asha.



Naramdaman ko ang pagkuha ni Nikki sa bag ko dahil naka-lobo iyon. Tamad ko siyang tinapunan ng tingin, mabilis niyang binuksan ang bag ko dahilan para matapon ang Iilang music box na pasalubong ko sakanila.



"Para saamin ba 'to?" Tuwang tanong ni Nikki.



Tumango ako, "Hanapin niyo nalang yung pangalan niyo diyan," Sabi ko dahil pina-ukit ko ang kanilang mga pangalan sa music box.



"Wow, galante ka talaga my friend!" Inakbayan ako ni Wayne.



Tinawanan ko lang siya dahil wala talaga akong energy na magsalita o makipagkulitan sa kanila.



"Hay naku, tiyaka ka na namin kukulitin na magkwento kapag may gana ka na." Ani Nikki.



Hinayaan ko sila na magkulitan sa harapan ko. Mabuti nalang at hindi nila ako masyadong kinukulit. Napansin nila ang pag-itim ng balat ko gawa ng pagbabad namin ni Blake sa arawan. Bagay pala sa akin ang morena, hindi ko kasi naranasan ito nung bata ako, takot ako umitim dahil pakiramdam ko hindi bagay sa akin.



Buong klase akong lutang at natutulog, hindi naman kasi nagturo yung iba kong teacher. Inuna nila magtanong kung kamusta ang maikli naming bakasyon o kaya nakipagkwentuhan sa mga kaklase ko. Ang hindi lang nagpaawat ay ang Math teacher namin na nagturo, sinubukan nila Arthur na lambingin ang Teacher pero di siya nagpaawat.


'Math talaga ang hindi nawawalan ng topic.' Bulong ko sa aking isipan.



"Oh, Kamusta school mo?" Tanong ni mama ng magmano ako sa kanya.



"Okay, naman po." Pagod kong ani.



"Ganun ba, nangangalumata ka ah. May sapat ka bang pahinga?" Nag-aalala niyang tanong.


Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz