CHAPTER 1

322 10 1
                                    

                                :)


"Onti nalang idedelete ko na 'to!" Gigil kong sabi.


"Kung tinutulungan mo 'ko rito kesa nagdadabog ka jan." Sumilip si mama, mula sa kusina habang hawak ang siyanse.


"Ano po ba niluluto niyo?" tanong ko pagkalapit ko sa kanya.


"Itong nilagaang manok at adobo."


"Ba't andami naman putahe?" Kinuha ko ang mga petchay at sinimulang hugasan 'yon.


"Para hanggang mamayang gabi na. Teka ano nga pala pinagkaka-abalahan mo at parang gigil na gigil ka?" Humarap siya sa gawi ko.


"Yung ano, Ma.... ano..." Hindi ako sigurado kung sasabihin ko sakanya na gumagamit akong dating app.


"Ano?" Hindi makapaghintay n'yang tanong.


"Wala po laro lang.." Palusot ko.


Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko mula sa bulsa. Notification galing sa dating app na ginagamit ko, may bago akong naka-match. Tinignan ko ang bago kong ka-match.



"Blake..." Basa ko sa pangalan ng lalake.



Tinitigan ko ang litrato niya doon. Isang maputi, matikas ang pangangatawan at makinis ang mukha ng isang lalake, In short gwapo. Weird man pero iisang litrato lang ang meron siya, He's wearing a hoodie and blackboard short. nakasandal siya sa isang jeep wrangler at yung isa n'yang kamay nasa bulsa niya and has a wide smile on his face.



Balak ko na sana idelete ng account ko dito at iunistall ang app. Kaso wala naman sigurong mawawala kung idedelay ko ang balak kong tigilan ang paggamit nito. Lalo na may bago akong nakamatch. kung maghost edi awoo, kung masaktan edi ouch!


Hi, you look familiar...



Pinag-iisipan ko kung itutuloy ko ba ang pagchat dito o burahin ko nalang talaga yung app.



"Sino yan?" Nagulat ako nang biglang magsalita si mama sa likod ko.


"Ah wala, Ma!" Mabilis kong tinago sa bulsa ang cellphone ko.


"Nga pala malapit na enrollment niyo. Pwede bang ikaw nalang pumunta sa school mo at ikaw na mag-enroll. Ilista mo rin ang mga kailangan mo sa school para mabigyan kita ng pera, ikaw na rin mamili ng mga 'yon."


"Sige ma, ako na bahala. Sama ko nalang sila Nikki." Pinagpag ko ang pechay na hinugasan ko at inabot ko ang mga gulay kay Mama.


"Mag-aral kang mabuti, 'wag ka muna lalandi." Matalim niya akong tinignan.


Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin