CHAPTER 39

43 2 0
                                    

                                :)

"Uno!" I wave my hand at him. He was playing with his schoolmates. 


"Tita-Mommy!" He runs towards me and jumps to hug me.



I fetched him at his school. I promised him yesterday that we were going to the mall after his school. 



"Look, I have four stars po," He showed me his both arms that have marks of stars.



"Wow, Good job naman ng baby ko!" Kinarga ko siya at hinalik-halikan sa pisngi at leeg niya.



"hahaha... Stop na tita-mommy, nakikiliti po ako!" He tried to stop me but I was determined and continued kissing his fat cheeks.



"Hi po, Tita-Mommy!" Bati ni Alarik.



Napatigil ako sa paghalik sa kanya ng lumapit sa amin si Alarik. Binaba ko si Uno at nakangiting yumuko kay Alarik.



"Hi Alarik! Wala ka pang sundo?" Tanong ko sa kanya.



"Wala pa po si Daddy, sabi niya siya ang magsusundo sa akin." Tila nalungkot ang mukha ng bata.



"How about your mom? Hindi ka ba nya masusundo?" 



"Hindi po eh, may out of town photoshoot po si Mommy." Nakalabi nyang sagot.



"Baka may nilalakad pa daddy. Teka text ko sya tapos sumama ka na saamin ni Uno dahil pupunta kami ng mall." Pabiro kong ginulo ang buhok nya.



"Talaga po!?" 



"Yey! Kasama ka saamin!" Tumalon-talon sila pareho sa saya.



Nilabas ko sa bag ang cellphone at tinext ang tatay ni Alarik. Madali kausap lang 'to at agad na sumagot para payagan ang bata na sumama saamin.



Pinasakay ko na agad ang dalawang bata sa sasakyan. Nagmaneho agad ako papunta sa mall at una namin pinuntahan ay ang ice cream shop na paborito nila pareho. Kung andito lang si Sophia ay tiyak na masesermonan ako nun dahil sa pagkukunsinti ko na pakainin si Uno ng matatamis.



"Alarik, patikim ako nung flavor ng iyo," Akmang kukuha na si Uno sa cup ng ice cream ni Alarik nang mabilis nya itong iusog palayo kay Uno.



"Don't scoop your spoon to my ice cream. Nalawayan mo na 'yan eh, I'll scoop some for you nalang." Kumuha ng kaunti si Alarik sa ice cream nya at nilagay sa kutsara ni Uno.



Natawa naman ako sa naging reaksyon nya nung padampi palang ang kutsara ni Uno sa ice cream nya. Nakakatawa rin ang gulat na mukha ni Uno, pano ba naman kasi para syang inapi nung ilayo ni Alarik ang pagkain sakanya.



"Tita-Mommy, can we go to the arcade after this?" Uno asked while licking his spoon.


Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now