CHAPTER 28

24 1 0
                                    

                                :)

"Bruce, sige na kasi."


"Anong ngang magagawa ko, I'm not open for part timers." Sagot niya.



Kinukulit ko si Bruce na bigyan ako ng trabaho sa coffee shop niya. Nalalapit na ang graduation namin pati na rin ang bakasyon. Nagbabalak ako na magtrabaho para naman hindi ako aasa sa allowance na ibibigay ni Mama at para may pandagdag ako sa mga gastos namin sa bahay.



"Alam mo parang kang others! Tandaan mo simula highschool customer mo na ako. Tas ngayon na mag-aapply ako, ayaw mo ko tanggapin." Reklamo ko sa kanya.



"Mag-aapply ka ba dito o manunumbat?" Tanong nya sa akin.



"Bruce naman eh!" Halos lumuhod na ako sa harapan niya.



"May I take your order ma'am?" Tanong niya sa customer na nakapila at hindi man lang inabala na sagutin ako.



"Sayang effort ko sa pag-fill up nitong resume, ginandahan ko pa ang pagsulat ko para maintindihan mo. Pati 'tong mga valid Id's ko." Pagmamaktol ko.



Tumalikod sya sa akin para ihanda ang drinks na inorder ng customer.



"Bruce, kumpleto naman ako ng requirements ahh. Tanggapin mo na ako, please." Nagpacute ako sakanya.



Humarap sya sa akin, "Marunong ka ba magtimpla ng kape?"



"3 in 1 ba?" Tanong ko.



"Hindi! I mean you know how to Brew a coffee?"



"Hindi." Iling ko.



"Pag steam ng milk?"



"Hindi rin."



"See, mag-aapply ka sa coffee shop hindi ka marunong. " Sabi niya na parang kaunti nalang mawawalan na sya ng pasensya saakin.



"Hindi naman pagiging barista inaapply ko rito." Sabi ko.



"Hindi pala barista inaapply mo eh, ano gagawin mo dito?"



"Cashier. Tsaka teka 'di ba may manual kayo ng mga drinks niyo dito kung paano gawin? Pwede naman ako maging cashier muna habang inaaral ko ang manual ah." Ngumuso ako.



Pinanghilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha, "Alam mo kung hindi lang talaga kayo iba sa akin nila Nikki hindi kita tatanggapin at hindi ako mag-aaksaya ng oras sa'yo."



"Ibig sabihin ba nyan tanggap na ako?" Natutuwa kong tanong.



"Oo, text ko nalang sa'yo schedule mo." Napakamot sya sa tuktok ng kanyang ulo.



"Waah! The best ka talaga Bruce!"

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora