CHAPTER 11

118 5 0
                                    

                                :)

"Official na kayo?" Gulat na tanong nila Nikki sa akin.


"Oo, wag kayo masyadong maingay." Sabi ko sa kanila.



"Omg! Dapat manlibre ka ngayon eh!" Sabi ni Raine.



"Mukha kang libre." Sagot ko sa kanya.



Bigla ko kasi silang tinawagan para ayain magkape sa Coffee and Brews. Ngayon ko rin sinabi na sinagot ko na si Blake. Sa kanilang dalawa ko palang sinasabi dahil sila ang bestfriends ko. Siguro sa ibang araw ko nalang sasabibin kila Asha.



"Bruce, dagdag order!" Sigaw ni Raine at ngumisi sa akin.



"Nga pala asaan si Blake ba't hindi kayo magkasama?" Tanong ni Nikki bago sumipsip sa inumin niya.



"Pumasok malapit na raw kasi finals nila." Sagot ko.



"Buti nagagawang imanage ni Blake time niya 'no? Despite of having a six hours training plus mga school projects pa. Nakukuha niyo pa lumabas-labas. " Sabi ni Raine.



"Pano mo alam na ganyan sila ka-busy? " Nikki looked at her suspicious.



"Ano.... Research... Napapanood ko kasi mga vlog nung mga gf ng mga sikat na basketball player. " Lumikot ang mga mata niya.



"Maniwala ako." Umirap si Nikki.



"Baka si Lucas ang dahilan kung bakit alam mo 'yang mga 'yan." Ngumisi ako.



"Panong si Lucas ang dahilan? Ganon na ba sila ka-close para iupdate siya ni Lucas?" Mapait na sabi ni Nikki.



"Alam mo Nikki sinasabi ko sa'yo ang ampalaya hindi dapat inaaraw-araw 'yan." Rebat ni Raine.



"Sinasabi ko lang naman ang totoo. Bakit ka nga ba iuupdate ni Lucas, kayo na ba?" Nakataas na kilay ni Nikki.



"Kami man o hindi. Siya man ang dahilan o hindi. Wala ka na dun!"



"Ano dagdag niyong order?" Tanong ni Bruce.



"Burnt cheesecake tatlo." Ako na ang sumagot dahil hindi pa tapos ang dalawa sa pagdidiskusyon.



"Alam mo Nikki hindi ko kasalanan na nagkatotoo ng sinabi ko na last niyo ng anniversary yun ng jowa mo. Kasalanan ko ba na malakas ang instinct ko." Sagot ni Raine.



"Malakas din instinct ko na niloloko ka ni Lucas." Diretsong sabi ni Nikki.



"Tumigil nga kayo. Baka magkapikunan kayo." Sinipsip ko ang drinks ko.



"Pano kasi 'to namemersonal. Porket ako nalang ang walang jowa sa grupo."Bumuntong hininga si Nikki.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon