CHAPTER 19

124 3 2
                                    

R18         

                                :)

"Beshie, para sa'yo." Inabutan ako ni Nikki ng paper bag na may lamang regalo niya.


"Para saan 'to? Hindi naman ako ang nabunot mo."  Tumawa ako ng marahan.



"Kailangan pa bang mabunot ka para regaluhan ka?" Tumaas ang kanyang kilay.



"Nakakakilig ka  naman dahil ngayon lang ako nakatanggap ng regalo sa'yo. Hindi ako prepared kaya for now si Carl muna regalo ko." Tumawa ako, sumimangot siya at sinubukan kunin ang regalo sa akin, "Nabigay mo na, walang bawian!"



"Sa dinami-rami na pwedeng iregalo yun pang ugok na 'yun!" Singhal niya.



Ngayong araw ang christmas party namin. Kumpleto na kami lahat sa classroom, inaantay nalang ang adviser namin. May mga kaklase akong nag-aabutan ng regalo, inabutan ako nila Asha ng regalo pati ang iba ko pang kaibigan.



"Omg! ito para sainyong dalawa." Natutuwang lumapit saamin si Raine, Binigay niya sa amin ang isang box na naka-gift wrapped, " Sana magustuhan niyo. Pinaghirapan ko yan."



Si Nikki ang nagbukas ng regalo habang ako nakatingin sa kung ano ang laman. Isang scrapbook na sa loob ay may mga pictures namin and messages from Raine. 



"Aww, ang sweet..." Lumabi ako kay Raine at niyakap siya.



"Ngayon lang ako natuwa sa ginawa mo," Sambit ni Nikki na nakisama sa pagkakayakap namin.



Hindi nagtagal nag-umpisa na ang party namin. Unang pinalaro Ni Ms. Agapito ang 'trip to jerusalem.'  sila Sam at Janine nalang ang dalawang natira. Ang natitirang isang upuan ay malapit sa teachers table. Nakapwesto sila sa gitna ng classroom habang sumasayaw. Sa Huli nanalo si Janine at sumunod ang pangalawang laro na 'Bring me.'



"Bring me your crush!" Sigaw ni Ms. Agapito.



Natahimik ang mga kaklase ko at halatang nagdadalawang isip kung sasali pa ba sa palaro o hindi. Sabay kaming lahat napatingin sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok si Alyannah habang hila-hila si Lester na halata ang pagka-pikon sa itsura.



"Anong kalokohan ba 'to?" Iritado niyang tanong.



"I guess we have a winner..." Ani Ms.



Inabot ni Ms ang premyo kay Alyannah at kinuhanan sila ng litrato bago paalisin si Lester. 



Tumingin si Lester sa akin ng palabas na siya, natawa ako ng bahagya."Congrats!"



"Tss!" Umirap siya at tuluyang lumabas.



Umiiling ako habang natatawa. Napatingin ako kila Nikki na nakatingin din sa akin. Ang mga mata nila ay naniningkit na para bang may ginawa akong mali.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now