CHAPTER 20

123 4 0
                                    

                                :)

Someone was gently tapping my thighs. I heard a soft-baritone voice of a man that is familiar to me.


"Wake up, aking mahal.."



Sinubukan kong idilat ang mabibigat kong mata para silipin si Blake. Kahit malabo ang aking paningin ang gwapo at ang amo ng kaniyang mukha. Nasisilaw ako sa sikat ng araw na pumapasok mula sa bintana.



Tumalikod ako ng pwesto at dumapa, "5 more minutes," Ungot ko at ibinaon ko ang aking mukha sa malambot na unan.



Hinila niya ang kumot sa akin dahilan para maramdaman ko ang lamig sa aking binti, "Hapon na, mahal. Bumangon ka na." Hinarap niya ako sa kanya at umibabaw sa akin.



"Ayoko pa," Pinanindigan kong nakapikit ang aking mga mata.



"Ayaw mong gumising?" Tanong niya at iling lang aking sinagot.



Bumuntong hininga siya at tumayo mula sa ibabaw ko. Nang sisilipin ko siya kung saan siya nagpunta ay nagulat ako ng bigla niya akong buhatin.



"Blake, what are you doing?"



"You leave me no choice, mahal." He grinned.



"What do you me— Blake!"



Nagulat ako sa bilis ng pangyayari dahil pinasok niya ako sa banyo at nilagay sa bathtub na may tubig.



"Bath well, mahal," He leaned on the door of the bathroom and pinned his eyes on me.



"What the?" Masamang tingin ang tinapon ko sa kanya, "Papanoorin mo 'ko maligo?" Hindi kasi siya lumabas ng banyo.



Umayos siya sa pagkakasandal sa pinto,"Hindi, Babantayan kita." 



"Papanoorin mo nga."



He shooked his head, "It's different."



"Lumabas ka na." Taboy ko sa kanya.



"Ok. Sayang kala ko free show." Tumalikod siya habang tumatawa.



"Blake!"



Hinubad ko ang mga basa kong damit. Napatingin ako sa salamin kung saan nakikita ko ang sarili kong repleksiyon. May iilang marka ang naiwan sa dibdib ko pati sa leeg na gawa ni Blake kagabi.



"Hindi ko alam na may pagka-artist pala siya," Hinawakan ko ang mga marka na iniwan niya sa aking katawan.



Pagtapos maligo ay nagsuot ako ng yellow two piece at white button dress. Paglabas ko natagpuan ko si Blake na nagsusuot ng white button down polo na hindi niya binutones man lang, sa pang ibaba naman niya ay light blue board shorts.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon