CHAPTER 14

121 3 0
                                    

R18

                                :)

"Today is the day, partner!"


"Battle of two strong teams of the universities."



IIlan 'yan sa naririnig kong sinasabi nang dalawang comentator. Hindi ko makita kung saan sila nakapwesto dahil sobrang daming tao kumpara sa mga nauna nilang laro. Sa ngayon wala pa sa loob ng court ang team nila Blake. May mga camera rin ang nakapaligid sa buong court, at may courtside reporters din.



"Last game na nila, next finals na." Rinig kong sabi ni Nikki.



Sa ngayon hindi na kasama sila Asha dahil may mga kanya-kanya silang gingawa. Kaming tatlo lang nila Nikki ang nanonood kasama si sir Miguel.



"Hindi ba dapat nagpapahinga yan si Lucas?"



Napatingin kami sa mga babae na nag-uusap sa likod namin.



"Yes, you need something?" The girl in yellow asked.



"Kilala niyo si Lucas?" Si Raine ang nagsalita.



"Yes, he's my cousin. Why?"



"Wala naman," Bahagyang ngumiti si Raine.



"Akala mo kung sino 'no?" Tukso ni Nikki.



Umirap lang sa kaniya si Raine. Buti naman at hindi nag-away ang dalawa, napunta ang atensiyon nila ng biglang pumasok ang dalawang team. Nasa gitna na sila ng court, habang ang referee nasa gitna ng dalawang team captain.



Pagtapos pumito at itapon sa ere ang bola nung referee. Ginawang volleyball ni Tyler ang laro ng bigla niya itong hampasin ng malakas at nasalo ng ka-team niya. Umayos ako ng sandal at seryosong nanood, ni-sumigaw hindi ko maggawa. Mas gusto ko panoorin sila kesa sabayan ang pagsigaw ng mga kababaihan. 



Nahagip naman nang mga mata ko sa kabilang side ng court ang isang babaeng nakasuot ito ng itim na hoodie. Tahimik lang din itong nanonood pero mababakas sa mukha niya ang kaba at lungkot. Hindi ko alam kung nagtatago ba siya o ano, dahil nasa gilid lang siya kung saan imposibleng may makakita sa kanya.



"Malakas pakiramdam ko na mananalo sila." Nagulat ako ng biglang kumapit si Raine sa braso ko.



Napunta ang tingin ko sa kanya at binalik sa babae kaso wala na ito sa pwesto niya. Sinubukan kong hanapin siya kaso nabigo ako dahil sobrang dami ng tao.



"Humahabol na sila." Impit niyang tili.


"Kumalma ka nga." Bulong ko.



"Beshie, malungkot si Captain hindi mo chinicheer." Sabi ni Nikki.



Tumingin naman ako kung nasaan si Blake, seryoso lang ito na binabantayan ang kalaban. Tumayo naman ako at umurong ng onti para makalapit sa railings na nakaharang saamin.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now