CHAPTER 31

29 1 0
                                    

                                :)

"Hi, I'm sorry to call you this early."


I called Lucas first thing in the morning. I have something to ask him.



[No, it's fine.] He said.



"I wanna ask you something..." I bit my lower lip.



[Woah! Teka kinakabahan ako jan. Is this about me and Raine? If it's about us, I swear Carisa I loved your friend and I swear I won't hurt her.] Mabilis nyang sabi.



"No. It's not about that." I said.



[Oh, that's a relief...] Narinig ko sa kabilang linya ang paghinga nya, [What is it then?]



"Have you talked to Blake? I mean has he contacted you these past few days? Or kaunting chitchat, ganun."



[Hmm... He hasn't, we haven't talked lately. You know I'm busy running our business.]



"Kahit anong text or calls from him, wala?" Tanong ko muli.



[No, why did something happen?]



"No. No, wala naman." Palusot ko.



[You can ask Carl, sya laging kausap ni Blake.] He said before he hang up the call.



Napahilamos ako sa sarili kong palad. Wala pa akong tulog simula kahapon. Para na akong mababaliw kakaisip ko kung saan ko macocontact si Blake.



"Goodmorning, beshie!" sabi ni Nikki na kakalabas lang sa kwarto nya, magulo pa ang kanyang buhok. "Aga mo."



Tipid ko lang s'yang nginitian.



"Nga pala, beshie, nasabi na ba sa'yo ni Raine ang tungkol sa prof nila?" Sabi niya habang nagtitimpla ng kape.



"Hindi pa, ano tungkol sa prof nila?" Pinagpatuloy ko ang paghalo sa tinimpla kong kape kanina pa.



"Ayun nga kasi 'di ba..."



Asaan kaya sya? Okay lang ba sya? Nag-aalala ako para sakanya. Ilang araw na ang lumipas simula nung huli ko syang nakausap. Kundi ako nagkakamali yun yung nagpaalam sya sa akin na aalis sya. Kahit update o anino nya ay wala. Hindi ko rin nakikita na nag-oonline sya sa kahit anong socmeds.



"Beshie!"



Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang pumitik sa harapan ko si Nikki.



"H-Ha?"



"Anong Ha? Kanina pa ako nagkukwento rito. Yung kape mo maputla na kakahalo mo." Humalukipkip siya.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now