CHAPTER 3

175 2 0
                                    

                                :)

5:15 am

Napabangon agad ako sa kama ko sa pagaakala na late na ako. Anong oras na rin ako nakatulog kagabi, buong gabi kasi kami nag-usap ni Blake.


Buti nalang maaga pa marami pa akong oras para maghanda. Nilagay ko lang sa bag ko ang mga dapat dalhin, maliit na bag lang ang dadalhin ko dahil first day pa lang.


"Mag-almusal ka muna bago ka pumasok." Sabi ni Mama at hinatag ang pancake na niluto nya.
 "Nga Pala eto baon mo, sinobrahan ko yan dahil paniguradong lalabas kayo ng mga kaibigan mo. 'wag mo na bawasan ang savings account mo." Sabi ni mama na ikinatuwa ko.


"Thank you, Ma. " Sagot ko at hinalikan ko ang pisngi niya.


Pagtapos ko kumain umakyat ako para icheck gamit ko kung kumpleto na. Maaga pa naman 7:00 am pa ang bell kaya chinat ko muna si Nikki kung nakaalis na siya dahil kagabi pa nya ako sinasabihan na excited siya.



Kung sinuswerte ka nga naman wala pang jeep na dumadaan! Naglakad ako ng kaunti para makasakay. Six thirty na nang makasakay ako kaya nangangamba ako na baka mahuli ako sa klase.


I checked my wristwatch and it's already 6:40 ilang minuto nalang late na ako. Huminto ang jeep sa gasoline station at mukhang magpapakarga pa siya. Bumaba na ako dahil ilang lakad nalang naman ang layo nito sa school.


Lakad takbo ang ginawa ko para makapasok. Ang nakakainis lang dulo pa ng campus ang room namin at third floor pa. Wala pa man ding elevator. Nagbell na pero tumatakbo pa rin ako. Hingal na hingal akong binuksan ang pinto na lumikha ng malakas na ingay kaya napatingin silang lahat saakin.


"Goodmorning, ma'am. I'm sorry I'm late." Hinihingal kong sambit.


"You're not late. We're about to start, take your seat." Sabi ng adviser ko at umupo ako sa gitna nila Nikki at Raine.


"Akala ko ba maaga kang natulog kagabi? " Pang aasar ni Nikki kaya sinamaan ko sya ng tingin.


"Oo nga, ang aga mo pa magpaalam sa gc." Segunda ni Raine.


First day late ako buti nalang mabait adviser namin. Wala masyadong pinagwa saamin, warm up lang daw ang araw na 'to ayon sa adviser namin. Recess time andito lang kami nila Nikki sa classroom at Hindi na nag-abala bumaba. Paniguradong maraming tao sa canteen at saktong nilagyan ni mama ang bag ko ng mga biscuits. 


"You want?" Alok ko kay Nikki na busy magbasa ng libro.


"No thanks, diet ako" agad ko syang binatukan dahil 'di uso ang diet sa babaeng ito.


"Aray ahh!" Singhal nya.


"Diet? tumigil ka nga!"


Nakita ko naman sila Asha, Wayne, Emily at Shane na papasok sa classroom kaya agad akong lumapit sakanila.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora