CHAPTER 32

34 1 0
                                    

R18   

                                :)

"Kuya Louis? Ano ginagawa mo rito?" Pagbukas ko ng pinto sya ang bumungad sa akin.


"Pwede bang dito muna kami?" Hindi ko napansin na may tao pala sa likod nya.



"Why, what happened?"



"Pinalayas kasi si Marie sa kanila. Yung condo ko wala na." Paliwanag nya.



"Teka ano? Anong wala na condo mo?" Naguguluhan kong tanong.



"Papasok muna sa loob bago ako magpaliwanag sa'yo." Sagot nya.



Binuksan ko ang pinto para makapasok sila. Binaba ko muna ang mga gamit ko sa countertop. Maaga pa naman para sa first subject ko. Pinaupo ko sila sa sofa at kinuhaan sila ng juice sa ref.



"What you do mean wala na condo mo?" Tanong ko sa kanya.



"Binenta ko."



"Bakit mo binenta?"



"Kailangan ko ng pera. Nakakahiya kung kila mama ako manghihingi..." Mababang tono nyang sabi.



"Kaya mo naman magka-pera ng hindi binebenta ang condo na pinundar ni Mama para sa atin. Magkano ba kailangan mo? Ganun ba kalaki ang kailangan mo." Tinaasan ko sya ng kilay.



Tinignan nya ako, "Alam mo kahit inaasar asar kita lagi... Mahal kita kasi ikaw lang yung kapatid ko na maganda at mabait.."



"Kuya, ang aga-aga huwag ka magdrama." Putol ko sa gusto nyang sabihin. Alam ko na ang mga pa ganyan nya.



Hinawakan nya ang kamay ng kanyang nobya, "Ikaw lang una kong sasabihan neto. Si kuya Charles hindi alam kahit sila mama, tanging tayong tatlo at ang pamilya palang ni Marie ang may alam." 



Palipat lipat na tingin ang binigay ko sa kanila.



"Ano ba yun?" Inip ko na tanong dahil ilang minuto ang lumipas walang nagsasalita.



"Buntis ako." Nakayukong sabi ni ate Marie.



"Ano!?" Napatayo ako sa gulat, "Pano nangyare— Bakit?— I mean... Hindi ko alam sasabihin sainyo." napaupo ulit ako. "Hindi ba kayo gumamit ng pills o kaya any conceptrative method?"



"Nagpipills sya kaso nung nag ano kami nakalimutan nya uminom," Napakamot si Kuya Louis sa batok nya, nahihiya.



Sandali akong nanahimik at parang nagloading ang utak ko sa sinabi nila.



"Panong nakalusot? I mean nakalimutan. Hindi ba nurse ka ate Marie, diba yung mga nurse hands on sa pag-inom ng gamot ng pasyente? pero bat sa sarili mo..." Hindi ko na tinuloy ang balak kong sabihin.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now