CHAPTER 40

49 1 0
                                    

                                :)

Pang ilang beses na ba naka-cancel ang meeting na 'to? Dapat last week pa tapos 'to kung hindi lang talaga busy ang schedule ni Mr. William, client namin sya galing sa ibang bansa. 


"May pasok ka?" Tanong ni Danica, nakita nya akong nag-aayos.



"Oo, pero sandali lang naman 'to." sagot ko. Inayos ko lang ang lipstick na lumagpas sa labi ko.



"Abot ba na masundo mo si Uno?" 



"Hindi ako sigurado, pagka-ano ikaw nalang sumundo sakanya ngayon." ani ko.



Binaba ni Danica ang walis na hawak, "May iba pa ba akong choice?" 



Tinawanan ko lang sya at umiling. Sinuklay ko lang ang buhok ko bago magpaalam sakanya na aalis na ako. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng unit namin, dumiretso ako sa elevator at bumaba sa may parking lot.



"Hello, Mr. William?" bati ko ng tumawag sya saakin.



[Hello? I'm sorry but can we—]



"Is it canceled again?" pangunguna ko.



[No, It's not canceled. Can we change the meeting place? My daughter wants to eat in the restaurant she saw on the internet.]



"Oh, yeah sure, Mr. William. May I know where that restaurant is?" 



[Monogamous? Yeah, that's what is called. Right, Chandria?]



"W-What?" I stuttered. Napatigil ako sa pagbukas nang pinto ng sasakyan.



[Monogamous. We're actually on our way there.]



"Are you sure that your daughter wants to eat there?" I asked.



[Yes, let's meet there. See you.] Binaba na nya ang tawag.



Pinindot ko ang susi para ilock muli ang sasakyan ko. Huminga ako ng malalim bago maglakad papunta sa restaurant. Wala akong choice kundi maglakad, sayang kasi ang gasolina kung magko-kotse pa ako. Malapit lang naman ang restaurant ni Blake, tsaka ba't sa dami-daming masasarap na restaurant na pwedeng kainan ay dito pa napili nung anak nya kumain?



"Goodmorning po, Ma'am." Bati saakin ng guwardiya.



"Manong guard, andyan ba amo mo?" Tanong ko sakanya.



"Sino ho? Amo?" Naguguluhan nyang tanong.



"Oo, 'yung amo nyo. Yung pinaka boss ng restaurant po." Paliwanag ko sa tanong ko.



"Ah si Boss James po ba?"



Napakamot ako sa ulo ko, "Hindi 'yung isa, si Blake."

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now