CHAPTER 33

37 0 0
                                    

                                :)

"Bruce, bakit? Inaayos ko stocks natin sa pantry." Tanong ko kay Bruce.


Pinapatawag daw kasi ako ni Bruce ayon kay Basti na bagong empleyado. Naabutan ko naman sya na nag-aayos ng cups dispenser rack.



"We are open for promotion, and customers are giving you good feedback. So, I decided to give the promotion to you."



"Promotion? Sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong ko.



"Yes."



"Bakit sa akin? Ayaw mo kay Sophia?"



"Alam mo ikaw lang yung kilala kong tumanggi sa promotion. Sophia is our barista, besides inalok ko sakanya 'to ayaw nya, sabi nya ibigay ko raw sa'yo. Ikaw naman all around, you can be a barista, cashier, waiter, and you can be the janitress ng coffee shop."



Minsan ko na kasing sinubukan ang magtimpla ng isa sa mga drinks. Hanggang sa magtuloy-tuloy ang pagiging 'Barista' kuno ko dahil nagkasakit si Sophia at ilang araw hindi nakapasok.



"Alam ko naman 'yon kaso wala pa akong isang taon dito. Isa pa, hindi pa ako magaling maghandle ng business."



"Look, my business is expanding. Kailangan ko maghanap ng manager para sa branch na 'to. Isa pa ano naman kung wala ka pang isang taon? I have already seen your hard work and it's enough for me to be convinced that the promotion was fitted for you."



"Bruce naman." Napakamot ako sa ulo ko.



"Huwag mo na ako kausapin, hindi magbabago isip ko." Tinalikuran nya ako at naglakad papasok sa office nya.



Huminga ako ng malalim sa pag-iisip na hindi na magbabago ang isip ni Bruce. Ganyan pa naman ugali nya, once na sinabi nya ay gagawin nya talaga at walang makakapigil sa kanya.



Nagtungo sa locker area. Saktong break time ko at walang masyadong customer. Inaayos ko ang medyo gulo kong buhok ng biglang pumasok si Basti.



"May naghahanap sa'yo." Nakangiti nyang sabi.



"Sino?" Tanong ko.



"Ewan ko, basta lalaki." Sabi nya at nagpaalam.



Mabilis akong lumabas para hanapin ang lalakeng sinasabi nya. Isang lalake na nakaupo at nakatalikod sa isang sulok, nawala pagka-sabik ko sa pag-aakalang si Blake siya pero hindi.



"Lucas?" Sorpresa kong sabi.



"Birthday ni james bukas. Inaasahan nya ang pagpunta nyo, pasensya na raw kung nalate ang pagbigay ng invitation. Ang hirap nyo raw kasi ma-contact." Inilabas nya ang invitation mula sa backpack nya.



"Pasensya na rin sya kamo, mga busy kasi talaga kami. Nag-abala ka pa na pumunta dito. Dapat kay Raine mo nalang inabot." Umupo ako sa harapan nya at kinuha ang invitation.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now