CHAPTER 2

178 2 0
                                    

                                :)

Blake's POV


"Hello dre saan ka?" Tanong ko sa kausap ko.


[Dre, dito sa may cyberzone sa 4th floor. Si Lucas nasa Mcdo nakatambay pa dun. Si James may date daw.] Sagot ni Carl.


"Sige dre nasa parking ako. Sunduin ko nalang muna si Lucas." Binaba ko na ang call.


Naglakad ako papasok nang mall at agad pinuntahan ang mcdo na sinasabi ni Carl. Napatingin pa ako sa tatlong babae na nakatalikod na nagjajack en poy sa tapat ng mcdo. Nilibot ko ang mata ko para mahanap agad si Lucas.


"Tambay?" tinapik ko ang balikat niya.


"Kakatamad sundan si Carl sa cyberzone." Sabi niya habang busy nagtatype sa cellphone niya.


"Sino ba 'yang kausap mo jan?" Inagaw ko sakanya ang cellphone.


"Parang tanga, dre. Si Mommy 'yan!" Sabi niya at tinignan ko ang cellphone niya.


"Mommy's boy ka ba?" Binalik ko ang cellphone nya at tinawanan.


"Ugok! tara samahan mo ko nagugutom ako." Tumayo siya kaya sinundan ko siya.


"Ikaw dre may gusto ka ba?" Tanong niya.


"Softdrinks. Ano ba ginagawa ni Carl sa cyberzone?" tanong ko sakanya habang inaantay ang order niya.


"Bumibili ng bagong piyesa para sa computer niya. Alam mo naman yun."


"Bagong piyesa? Ano ba nilalaro nun roblox?" Natatawa kong sabi.



Manang-mana talaga siya sa kapatid niya. Parehas silang adik sa mga video games or something about computer.


"Here's your order sir." Sabi ng crew habang nakangiti.


"Pupuntahan pa ba natin si Carl?" tanong niya.


"Oo, baka magalit saatin yun." Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung nagchat na ba siya.


Naglakad kami papunta sa lamesa namin kanina pero napatingin ako kay Lucas nang marinig ko ang pagbagsak nang hawak niyang tray.


"Shit!" mura ng kaibigan ko.


"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" sabi nang babae na nabangga niya.


"I'm sorry, Miss. I didn't notice you."


"You didn't notice me? are you blind!? Look how tall I am tas sasabihin mo di mo ko napansin?" sigaw ng babae.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now