CHAPTER 24

102 4 0
                                    

                                :)

"Shala! May pa-pizza talaga si Sir. Miguel."


Tuwang-tuwa ang mga kaklase ko dahil tinupad talaga ni Sir ang sinabi niyang magpapa pizza siya bago matapos ang school year.



"Gino, tama ka nga." Malakas na tinulak ni Lira si Gino palayo sa lamesa.



"Magbigay ka naman, pre!" Sigaw ni Mark.



"Kumuha ka ng iyo, 'wag mo agawin 'tong akin!" Naghabulan paikot ng classroom sila Gino at Mark.



"Huwag kayo mag-agawan marami pa dito." Sabi ni Sir.



Anim na box ng pizza kasi ang inorder niya, may kasama din na iilang bote ng softdrinks.



"Ang galante talaga ni Sir." Masayang sabi ni Wayne.



"Carisa, isang pizza lang talaga kukuhain mo?" Tanong ni Shane.



"Ok na ako dito." Ngumiti ako sakanya.



"Girls kumuha pa kayo rito." Tukoy sa amin ni Sir.



"Beshie, kumuha ka don." Malakas akong tinulak ni Nikki papalapit sa lamesa na may mga pizza.



"Ayoko nga. Okay na ako sa isa lang." Babalik na sana ako sa pwesto ko ng hawakan ako ni Sir. Miguel at inabot sa akin ang isang box na hindi bawas.



"Paghati-hatian ninyo." Ngumiti siya.



Napakamot ako sa ulo ko at nilapag sa harapan ng mga kaibigan ko ang hindi bawas na box ng pizza.



"Lakas mo talaga kay sir." ani Shane.



Hinayaan ko sila na pagsalu-saluhan ang pagkain. Nakakaumay kasi ilang beses na akong kumain ng pizza this week. Akala ko masarap kapag laging pizza pagkain, nakakaumay din pala.



"Excited na ako sa Batanes natin." Nakalabing sabi ni Raine.



"Magbabatanes kayo?" Tanong ni Wayne.



"Oo, sama kayo?" Si Raine.



"Wala kaming budget." Napakamot sa ulo si Asha.



"Kailan alis niyo?" Tanong ni Shane.



"Sa susunod na Linggo." Nakangiting sabi ni Raine.



"Anong sa susunod? Dalawang linggo pa, Raine." Pagtama ni Nikki kay Raine.



"Ay, oo nga 'no." Natawa siya.



"Gusto ko sana sumama kaso naka-freeze allowance ko." Napanguso si Wayne.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now