CHAPTER 6

114 2 3
                                    

                                :)

"Etong gown maganda." Tinuro ni Mama ang isang gown na nasa magazine.


Andito kami ngayon sa isang fashion designer na kaibigan ni Mama. Namimili kami ng gown for my upcoming debut next month. Tinignan ko ang tinuturo nya na color Red na gown, tinignan ko iyon at nagustuhan ko naman. It was a off shoulder gown that has a simple details. Sa laylayan may mga lace na design at lalong gumanda iyon ng partneran ng pulang korona na tila ba magsasagala ka.



"Eto rin maganda, ma." Tinuro ko ang isang champagne deep vneck dress, sa likod nun ay bakless.



"Hindi ba masyadong simple yan?" Tanong ni mama.



"Hindi, ma. Maganda nga ehh, pang after party ko." Sabi ko sakanya.



Princess theme ang pinili namin ni mama, bata palang ako yun na lagi ang theme ng mga birthday parties ko. Hindi naman ganun kabongga ang party dahil family and friends lang ang ininvite namin.



 Ayoko rin kasi nang sobrang dami dahil mahirap umasikaso ng bisita. Sa Tagaytay ko napili gawin ang party dahil matagal ko ng pangarap na dun magbirthday. Ang kagandahan sa napili naming venue pwede kami magovernight dahil for events talaga ang lugar plus they have hotel. Tsaka malapit sa bar and restaurant na pupuntahan namin for after party.



"Eto maganda rin." Pinakita naman nya ang white off shoulder na parang corset ang peg. "Para kang diwata dito."



"Ano may nagustuhan na ba kayo?" Tanong saamin ni tita Mia na mama ni Angel na kaibigan din namin nila Nikki.



"Eto po tita Mia." Pinakita ko sakanya ang champagne dress.



"Nice choice. Si Angel ang naglagay nito dito." Sabi niya at ngumiti.



Inumpisahan na akong sukatan at tatlong gown ang pinili namin. Yung red, champagne at ang corset dress. Tinatanong din ako kung may idadagdag akong details sa mga dress na napili ko, wala akong pinadagdag sa red gown dun lang sa champagne at corset dress. I told tita Mia to make it shiny for the champagne and for the white corset dress put some butterflies details.



"Sure ka ba na onting bisita lang gusto mo?" Tanong ni Mama.



"Mas unti mas masaya, ma. Tsaka isa pa hindi naman ganun karami ang friends ko." Sagot ko.



"Yung bar and restaurant na sinasabi mo, kayong bahala na ni Blake doon?" Paninigurado niya. Si Blake kasi ang nagsabi na may alam siya sa tagaytay na venue for my after-party lalo na nung sinabi ko maganda sana kung bar and restaurant ang makuha.



"Opo ma, kami na bahala ni Blake." Sabi ko at ngumiti naman siya.



Bumyahe kami ni Mama papuntang Tagaytay para tignan ang pinaka location ng debut ko. Sa Hill Greek Garden ang napili ni mama dahil suggestion ito ng isa n'yang friend na nagdebut din ang anak.



"Kamusta pala kayo ni Blake?" Out of nowhere na tanong ni mama.


Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now