CHAPTER 13

86 4 0
                                    

                                :)

Napabangon ako sa pagkakatulog ko ng may bigla akong makaramdam ng malakas na sampal.


"Yan! Buti Gumising ka!" Tumambad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Nikki.



"Ba't ka nanampal? Nasisiraan ka ba?" Singhal ko sa kanya habang sapu-sapu ang pisngi.



"Umuungol ka na umiiyak, inisip ko baka nanaginip ka o binabangungot." Humikab siya.



"Pwede naman yugyugin mo 'ko, hindi yung mananampal ka."



"Ilang minuto na kita niyuyugyog, ayaw mo magising."



"Pabawi ako!"



"Manahimik ka beshie!" Tumayos siya sa kama.



"Pabawi ako masakit 'yun!" Inihanda ko na ang palad ko para sampalin siya.



Tumakbo siya sa kabilang side ng kama, "Beshie, ako nagsasabi sa'yo baka magising sila tita sa
ingay natin."



"Bakit anong oras na ba?"



"Alas Quatro."



Napatigil ako sa paghabol sa kanya, "Seryoso?"



"Oo, tignan mo." Tinuro niya ang orasan sa study table ko.



Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata ni Nikki sa akin, "Huwag mo sasabihin matutulog ka
pa?"



"Nawala nga antok ko. Maliligo nalang ako." Tumayo ako at kinuha ang tuwalya.



"Oh ang aga ninyo pareho." Bati saamin ni mama, pagbaba namin ng hagdan.



"Si Nikki kasi nanampal." Sumbong ko kay mama.



"Tita, pano po kasi binabangungot siya." Sumbong naman niya.



"Hindi ka ba nagdasal bago matulog?" tanong ni mama.



"Hindi ko nga po alam na nakatulog ako. Hindi ko rin alam paano ako nakapunta sa kwarto ko."



"Binuhat ka ni capt." Simpleng sagot ni Nikki.



"Si Blake, binuhat siya?" Bakas kay mama ang pagkagulat.



"Opo." Si Nikki.



"Buti hindi nabigatan si Blake sa'yo."



"Wow ma ah, parang sinasabi mo ang taba at ang bigat ko."



"Wala akong sinasabi. Ikaw nag-iisip n'yan." Humigop siya sa kape niya para itago ang lihim na pagtawa.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora