CHAPTER 38

42 0 0
                                    

                                :)

"W-What did you just call me?" I stuttered.


"Pachut." Ulit niya.



I raised my brow at him, "I'm sorry, But I only allow my father to call me that nickname."



"I see, you're not comfortable when someone calls you that.  Except for your father." He chuckled.



"Oh! You know her nickname?" Natatawang tanong ni Winnie sa kanya.



"Yes." Sagot ni Blake habang nakatingin sa akin.



"How cute her nickname 'no? Parang Dog," Tumawa sila ng malakas.



Siniko ko si Winnie na nasa likuran ko. Tumigil naman siya sa kakatawa ng samaan ko sya ng tingin.  Nakakainis mga tawanan nila, hindi sila nakakatuwa! At itong isang 'to makatawa parang hindi rin natuwa sa pangalan ko noon, kung tawagin niya ako sa pangalang kong iyan! Parang aso pala ahh.



Umismid ako sa kanila at kinuha ang bag ko,"Let's go, Winnie. Thank you for serving a good food for us." I smiled at the waiter. Muli ko syang tinignan at inirapan.



Hinila ko na palabas doon si Winnie na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin. Hinarap ko sya at bigla naman tumikom ang bibig nya para pigilan ang pagtawa.



"Parang aso ba pangalan ko? Maka-Dog ka d'yan." 



"Parang lang naman, yung name mo lang naman ang parang Dog, hindi Ikaw." Tumawa muli siya.



Pinitik ko ang lalamunan nya  kaya siya nabilaukan at nagkanda-ubo, "Nakakairita tawa mo. Ngayon nga lang tayo nagkita ganyan pa gagawin mo sa akin."



"Sakit nun ah!" Hinampas nya ako sa braso ko, "Para kasi talagang aso nickname mo." 



"Inulit pa," Umikot ang bilog kong mata.



"Ay sorry," Nagpeace sign sya.



Inaya ko nalang siya na magcoffee sa condo ko. Pinapunta ko si Jaimie sa condo para dalhin ang mga papeles na kailangan kong pirmahan. Dapat talaga hindi ako papasok today kung hindi lang nagrequest si Mr. Castro ng physical meeting.



 I usually preferred na zoom meeting ang gawin at work from home ako dahil mas hawak ko ang oras ko. Unlike, pag sa office talaga ako ay puro stress ang inaabot ko, lalo na kay Stephen na minsan tumatambay sa office ko.



"How many days ulit sa'yo si Baby Alex?" Tanong ni Winnie habang tinitignan ang collection of books ko.



"5 days. Pero mukhang balak ni Sophia mag-extend sa Las Vegas." Inabot ko sa kanya ang coffee.



"Edi matatagalan pa pala sa'yo si Baby Alex. How about his grandparents pala? Ba't nga sa'yo iniwan si Baby Alex?"

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now