1: 'Lia! Namiss kita!'

28.3K 438 64
                                    

Hi Maida! Heyyo! =) May bago na naman akong story, basahin mo ha? Bantay lang jud ka. HAHAHA! Char lang. Labyu. xx

-------------------------------------------------------------------------------------------------

~Mia~

It's good to be back! Namiss ko ang Pilipinas. Namiss ko ang mga kaibigan ko, namiss ko ang mga tao dito, namiss ko ang simoy ng hangin. Aaaah. It's good to be back!

Pero syempre, joke lang lahat ng sinabi ko. Pffsh. La akong pake kahit san mo ako ilagay, sa Pinas man o sa America. I don't give a damn. Wanna know why? Eh kasi kahit san man ako pumunta, ayaw pa rin ng mga tao sa akin. Tch. Pero napangiti ako, kahit papano namiss ko rin naman ang Pinas

"Nakakamiss ang Pinas 'no, Mi?" Nawala bigla ang ngiti ko, bigla kasi sumulpot 'tong si Lia sa tabi ko.

"Slight lang." Blankong sagot ko sa kanya.

"Asuuus. Basta namiss ko ang Pinas." Sabi niya ng nakangiti.

"K."

Umupo muna kami dun sa may bench na malapit sa entrance ng NAIA. Hinihintay pa kasi namin si Tito, siya kasi ang susundo sa amin.

Oh, siguro iniisip niyo na mayaman kami kasi tumira kami sa America. Kung yun man ang iniisip niyo, well, mali kayo. Kaya lang naman kami tumira sa America for 1 year dahil sa trabaho ni Daddy, CPA kasi siya. Pero ngayon sa Pinas na naman siya naassign kaya bumalik kami dito.

Nasa left side ko si Daddy while ang nasa other side ko naman eh si Mommy. Si Lia naman andun sa other side ni Daddy.

"Mia, umayos ka na ha? Gayahin mo si Lia." Sabay akbay sa akin ni Daddy. Hay nako, eto na naman po tayo.

"Dad," sabay tanggal ng pagkakaakbay niya sa akin, "Ako si Mia, siya si Lia. Magkaiba ang Mia sa Lia." Umirap ako kahit na di ako nakatingin kay Daddy.

Nakita ko na nagulat si Daddy sa ginawa ko. "Kelan ka pa natuto magmaldita?!"

"Uhmm. Since pinanganak ata ako?" Umirap na naman ako.

"Mia, wag mo akong ganyanin, daddy mo ako. Ang gusto ko lang naman na gawin mo ay magayos."

"Dad, alam mo, okay na sana yung 'Mia, umayos ka na ha?' kaso lang dinagdagan mo ng 'Gayahin mo si Lia.' Dad, uulitin ko ha? Magkaiba ang Mia sa Lia. Oo, halos magkaparehas na yung dalawa pero magkaiba pa rin ang spelling. Oh di ba, pangalan pa lang iba na, pano na lang kaya ang ugali namin? Kambal nga kami, pero malaki ang pinagkaibahan namin Dad. Kaya uulitin ko po ulit ha? Ako si Mia, siya si Lia. At hinding-hindi ako magiging si Lia." tas humarap ako kay Daddy at binigyan siya ng isang malditang ngiti. 

"Mia! Ma--" Di na natapos ni Daddy ang sasabihin niya kasi pinutol agad ni Mommy.

Ako si Mia.Where stories live. Discover now