Special Chapter 5: Ang Prinsesa, Prinsepe, at mga Pogi

7.5K 220 49
  • Dedicated to to all readers. :*
                                    

Ang astiging Prinsesa, tatanga-tangang Prinsepe, at ang mga Poging Knight

*****

“ ♪ Ang almusal ay sigawan

Ang Hapunan natin ay tampuhan

Ang Mirienda pagdududa

Pero mahal kita

wala ng hahanapin pang iba

handa kong magtiis

kahit na

away, away, away na ‘to... ♪

 

Kinikilig na tinignan ako ni Lia. “OMAYGOSH TWIN! Hihihi. Trebbie babes is so sweet!”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Anong Trebbie babes?”

“Ay hihi! Joke lang. Travis pala.” Nagpeace sign siya at lumabas dun sa balcony. Para siguro tignan sila Treb.

Sa amin ni Lia 'tong balcony, bale dalawa yung pinto: Yung isa galing sa kwarto niya, yung isa naman sa kwarto ko. Pero sa ngayon, dito kami sa kwarto ko nakatambay.

“MIA! Come here! Ikaw yung pinuntahan nila dito kaya dali!” Sabi ni Lia.

“Ayoko, mainit dyan sa labas.”

“Ang arte ha? As if naman ang puti puti mo 'no. Come here na kasi!” Pumasok siya ulit para hilain ako palabas. Hinayaan ko na lang dahil masyado akong tinatamad para labanan siya.

“PRINSESA!” Sigaw nilang lima.

Binatukan bigla ni Dee si Treb. “Nakiki-prinsesa ka ata? Hala huy, sa aming apat lang yang si Mia 'no. Di ka kasali. Feeler ka eh, feeler!”

Binatukan rin ni Treb si Dee. “Inggitero ka rin, ano? Masyado kang epal eh.”

“Edi sige! Mag usap na lang kayo dyan forever, papasok muna ako at ang init dito sa labas.” Papasok na sana ulit ako nung bigla na naman silang kumanta.

“ ♪  Baby, please don't go~ ♪ ”

“Musical lang ang peg, ganon?” Natatawa kong sabi. Pati si Lia dito sa tabi ko ay natatawa na rin.

“Hehe. Ano Mi, nagustohan mo ba yung harana ko?” Tanong ni Treb.

Pinatong ko yung dalawang siko ko sa railings at humalumbaba. “Hmm. Anong sagot ang gusto mo? Yung totoo o hindi?”

Nag isip muna siya. “Yung totoo syempre!”

“Ang masasabi ko lang naman sa ginawa mo eh... As usual, mukha ka pa ring tanga.” Bored na sagot ko.

Ako si Mia.Where stories live. Discover now